Chapter 15

4.4K 221 25
                                    

R. PASTRANA

"Sino yan?" Sigaw ko mula sa kwarto ko. Hindi ito sumagot. Sa halip ay kumatok lang uli ito ng ilang beses. Baka hindi ako narinig dahil sa ulan.


"Ayan na. Saglit lang!"



Kakatapos ko lang magpalit ng damit. Sobrang lakas pa din ng buhos ng ulan. Kung naghintay pa siguro ako ng pagtila ng ulan, baka gabihin na ako.

Napatingin ako sa wall clock. Pasado alas onse na pala ng umaga. Hindi pa naman ako gutom kaya mamaya na ako magluluto ng pagkain.


Nagmamadaling naglakad ako patungo sa front door. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nangangatog sa lamig na si Alison. Nakayuko ito at nakayakap sa sarili. Basang basa ito. Tumutulo nga din ang tubig sa katawan niya.


"Anong ginagawa mo dito?" saad ko.


"At least let me in first. Thank you." sagot niya. Isang pekeng ngiti lang ang sinagot ko pagkatapos ay walang kakurap kurap na isinara ko ang pinto.



"What did I do this time? Raven, open the door!" sigaw niya mula sa labas.



"Umuwi ka na." I went straight to my room. Kumuha ako ng isang libro para aralin ang ituturo ko sa lunes. Nahiga ako sa kama at doon nagbasa.


Patuloy lang sa pagkatok ang tahong sa labas pero di ko na pinansin. Uuwi din naman 'yan.









1: 15 p.m.

Isinara ko ang hawak kong libro saka tumayo para magpunta sa kusina. Nakaramdam ako bigla ng gutom.


Paglabas ko sa kwarto ay napatingin ako sa pinto. Wala nang kumakatok doon.

Nagpunta ako ng kusina at inilabas ang mga korean noodles na mayroon ako. Binigyan kasi ako ni Ma'am Henly nung nakaraang araw. Dumating mula Korea ang kapatid nito na nakapag asawa ng Koreano. Sangkaterbang noodles daw ang dala nito na hindi din naman sa Korea nabili kundi sa Pampanga lang din. Sa CIA daw kasi lumapag ang mga ito.



Nilagyan ko lang yung noodles ng itlog at maraming spring onions. Matapos ang ilang minuto lang ay luto na.



Muli akong napasulyap sa front door. Wala naman na siguro siya doon?


Uupo na sana ako para kumain pero hindi ko napigilan ang sarili ko sa paglapit sa pinto. I just wanna make sure. Inilapag ko sa mesa ang cellphone ko.


Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin at anggi. Napaatras ako nang maramdaman kong may humawak sa kanang binti ko. Ang lamig.


"Hi, Rave." Napatingin ako sa sahig. Nakasalampak siya sa sementadong doorstep habang pinipiga ang basa niyang damit.

"B-bakit nandiyan ka pa?"

"Kasi hindi mo pa ako pinapapasok?" gusto ko na siyang sapukin sa naging sagot niya sakin.

"If I may remind you, I told you to go home, Miss Tuesca. Wala ka bang bahay?" puno ng sarkasmong turan ko pero mukhang hindi naman ito natinag.

"Meron"


"'Yon naman pala. Shoo. Go hom-" hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay pinutol na niya iyon.


"Sa Pampanga." muntik na akong matawa ng manginig siya sa pag ihip ng malakas na hangin. Mas lumakas ang ulan.


Napatingin ako sa itaas. Dumilim pa lalo ang kalangitan. Walang nagawang nilawakan ko ang pagkakabukas ng pinto. May konsensya pa naman ako.

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon