Chapter 9

4.9K 222 34
                                    

R. PASTRANA

"Kung ako ikaw, boluntaryo akong aalis." Ani ko kay Alison na patuloy lang sa pang aakit sa akin. Napansin kong hindi na nito suot ang itim na blazer. Tanging isang puting sando nalang ang suot nito pang itaas.

Senswal ang ginagawa nitong paghaplos sa sarili. Sa bawat pagliyad ni Alison ay tumatama ang mga hinaharap nito sa akin na halos sumilip na sa kagagalaw niya. Hindi ko maitatanggi na nakakaramdam ako ng kakaiba sa ginagawa nito.



Bigla akong pinawisan ng malamig pero sa loob loob ko ay nakakaramdam ako ng kakaibang init. Para akong sinisilaban at namumuo ang init na iyon sa puson ko.


I'm 28. Imposibleng hindi ako makaramdam ng arousal. Napakatagal ko nang ipinagkait sa sarili ko na maramdaman ang estrangherong damdamin na iyon. Sa unang pagkakataon ay may nakapagparamdam sa akin nito ngunit maling tao.

"A-no ba, get off me." halos mapamura ako nang marinig ang sarili kong tinig. Kaunting hina pa ay hindi na ito maririnig ng kausap ko. Tila bumuga lang ako nang hangin sa ginawa ko. Walang bahid ng pagtanggi sa tono ng pananalita ko.




Binitawan nito ang aking mga kamay tsaka dahan dahang ibinaba ang strap ng suot nitong sando.


Nanghihinang hinawakan ko ang strap ng damit nito at muling ibinalik sa balikat niya. Binaba niya ulit kaya muli ay gumalaw ako para iayos uli sa pagkakasuot ang sando.


"Just let me." mahinang bulong nito. Hinawakan uli ni Alison ang mga kamay ko para matigilan ako sa pagpigil dito. Naging mas mapusok ang paggalaw nito. Naging mas mabagal at higit na mas nagdudulot na ito ng kiliti sa aking kalamnan.

"Alison, let go."


Hindi ako nito pinansin, sa halip ay mas pinagbuti nito ang paggalaw sa aking hita. Kung titignan, parang pinaplantsa niya ako. Hindi ako nakagalaw nang bumaba ang mukha nito.





Kagat kagat na nito ngayon ang kaliwang tainga ko. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Natatakot ako na anumang oras ay sasabog na yon. Bumagal din ang bawat paghinga ko. Nahirapan ako. Mabigat ang naging pagbuga ko sa hanging inilalabas ng sarili kong katawan.



Tuluyan na yatang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang mapunta ang mga labi nito sa panga ko pababa sa leeg. Pigil na pigil ko ang pag hinga. Napapikit ako. Sa pagsara ng aking mga mata, biglang bumalik sa alaala ko ang araw na nakipaghiwalay ito sa akin.



Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig dahil don. Para akong nagising sa isang panaginip at ang panaginip, hindi kailanman magkakatotoo.


Anong ginagawa mo, Raven!

"Alis." matigas na turan ko. Natigilan ito tsaka tumingin sa akin. Her eyes were unreadable. Libog na libog na siguro ito sa akin. She was looking at me intensely at the same time, she was looking at me as if she's begging. Ilang segundo lang ay akma itong babalik sa ginagawa.



Mabilis ang naging kilos ko. Itinulak ko ito paalis sa pagkakaupo sa akin. Nahulog ito ngunit mabilis din namang nakatayo. Bigla nalang kumilos ang aking katawan. Nilapitan ko ito at isang suntok sa mukha at isang sipa sa sikmura ang muli kong pinakawalan dahilan para sumadsad ito sa sahig.



"A-aw." nakapikit na ngiwi nito. Hawak ng kaliwang palad nito ang mata habang ang kanan naman ay sapo sapo ang sariling sikmura.



Nakonsensiya man ako ay hindi ko na pinansin iyon. Iisipin ko na lamang na ang ginawa ko ay limang porsyentong kabawasan sa ginawa nito sa akin maraming taon na ang nakararaan. Kulang na kulang pa nga iyon bilang ganti.



Hindi ko na ito nilapitan. Mabilis na naglakad ako palabas ng OSCA.


"Hey! Iiwan mo ako dito?" hiyaw ni Alison ngunit di ko na ito nilingon. Bahala na ito sa buhay niya.

Habang naglalakad sa hallway ay marahan kong paulit ulit na pinupukpok ang ulo ko.


Dios mio, Raven! Nakakita ka lang ng maputi at makinis na boobs, nanlambot ka kaagad! Tandaan mo, isa lang siyang lamang dagat. Hindi ka pumapatol sa hindi tao!


Sinesermonan ko ang sarili ko. Lumipas ang ilang minuto ay napansin ko na hindi lamang ako ang tao sa lugar. Hindi ko napapansin na may mga estudyante nang nagtataka sa ginagawa kong pagpukpok sa ulo ko. Saktong nasa malapit akong isang grupo ng mga estudyante.



Sa hiya ay nginitian ko ang mga ito. The students were stunned. Kailanma'y hindi ako ngumiti sa mga estudyante. I was always cold and terror.

Hindi makapaniwala ang mga ito sa nakita sa akin. Bago ko malagpasan ang mga ito ay napansin ko pa ang pasimpleng pagtitinginan ng mga bata. Parang naghihingian sila ng kumpirmasyon sa bawat isa na tama ang kanilang nakita. Na talagang ngumiti ako sa harap ng mga ito.


Nailang ako sa nangyari kaya naman mabilis na naglalakad ako patungo sa elevator ng building. Pumasok ako doon. May dalawa pang estudyante na nakasakay na nanlaki ang mga mata nang makita ako.


"A-ay, friend. May...ano...nakalimutan pala tayo. Yung libro."


"E-eh... Oo nga." nagmamadaling lumabas ang mga ito. Halatang ayaw lang akong makasabay ng mga ito dahil kinatatakutan nga ako ng lahat. Kahit ang mga pinakapasaway na estudyante sa intitusyon ay hindi umuubra sa akin.
Walang nagtatangka na kausapin ako ng pabalang. Iwas na iwas ang mga tao sa akin.


Nang makarating ako sa faculty ay nandoon parin si Remington at nagsusulat.

"Hi." nakangiting bati nito na tinanguan ko nalan. Dumeretso ako sa table ko at doon yumuko.



Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa aking isipan ang nangyari sa lumang opisina ng OSCA.


"Oh, bat pulang pula yang mata mo, Alison?" nag aalalang tanong ni Remington. Naging alerto ang aking pandinig. Napaayos ako nang upo at tumingin sa mga ito. Baka magsabi nalang ito bigla.



"Wala naman. Tinamaan lang ako ng isang malaking bola. Isang makinis at maputing bola." sabay tingin sa akin. Ngalingaling sapukin ko ito sa eksaheradang pagsasalita nito at sa pagtitig sa akin nang ganito katagal.



Mukhang nagtaka si Remington dahil nagpabalikbalik ang tingin nito sa aming dalawa.



"Wait, may something ba sa inyo?" napasinghap ako sa narinig. Napatingin ako sa babaeng mukhang naguguluhan.


"Wala!"

"Yes!"

Sabay na sagot naming dalawa na ikinangisi ni Remington. Mabilis na lumapit ito sa akin.



"Magkwento ka naman."

----------
7/27/19

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon