R. PASTRANA
"Sige kuya Boogie, pasundo nalang ng mga 9:30 pm." sabi ko pagkasara ko sa pinto ng kotse.
"Sige ho, ma'am. Pasok na po kayo" nakangiting tugon naman nito na ikinatango ko. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad papasok sa function hall.
'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars
I'm gonna give you my heart
'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars
'Cause you light up the pathPumailalanlang ang isang kanta sa venue ng debut. I wasn't familiar with the song but it's for the eighteen roses. 18th birthday kasi ng inaanak ni Mama sa bestfriend niya simula pa noong nasa High School sila. Ginaganap ito sa isang function hall dito sa Casmor. Dahil wala naman sila sa Pilipinas pareho ni Dada, I was asked to attend the party on their behalf.
"Hija, I'm glad you were able to attend." salubong sa akin ni tita Maggie. Ngumiti ako dito at humalik sa pisngi niya.
"Good evening po, tita. Sorry, nalate po ako." hinging paumanhin ko dito. Hindi kasi ako agad nakabyahe dahil may tinapos pa ako sa school bago umalis. Alas tres na ako ng hapon nakaalis. Good thing, hindi matagal ang byahe from Bataan to Pampanga.
Isa pa, I knew I wouldn't be stucked in a traffic jam kaya di ko na gaanong minadali ang pag alis. It's not like I'm a VIP guest here so I thought, it's okay to be a bit late.
May maisusuot narin naman ako na pinabili ko sa care taker ng bahay namin sa Pampanga. Higit sa lahat, sa Sto. Rosario lang ako. Kahit magbike lang siguro ako, makakarating ako sa venue.
"Okay lang, 'nak. Siya nga pala, you may join us on our table."
"Salamat po." masayang iginiya niya ako sa mesa nilang pamilya. Nang makarating kami doon ay binati at nagmano ako sa lahat ng nakatatanda sa mesang iyon.
Habang nakaupo ay napatitig ako sa debutante. She looks happy with her tropical-themed party. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Ang engrande ng selebrasyong ito. Everything seemed perfect at this moment.
Looking back, I never had this kind of party when I turned 18 kasi I want her to be part of one of the most memorable events in my life. Noong panahon na iyon, she didn't know I exist. Hanggang tingin lang ako. Pasunod sunod tuwing papasok siya sa trabaho habang ako, nagka-cut ng mga klasi ko.
16 palang ako, pinangarap ko na siyang makasama sa mga masasayang araw na darating sa buhay ko.
If only I knew then, I should have celebrated my 18th birthday like this.
Nung 19 ako, I thought I'd finally have a chance na magcelebrate ng birthday kasama siya. Kahit hindi magarbo basta nandiyan siya. Pero hindi. Mali pala ako. Maling mali. Akala ko kasi abot ko na siya. Ilusyon ko lang pala 'yon.
"Raven Pastrana, ikaw ba 'yan?" naputol ang malalim na pag iisip ko nang may lumapit sa akin. Ibinaling ko ang ulo ko sa direksyon ng taong kumuha ng atensiyon ko.
"Francis Silverio?" I asked him for confirmation kahit na hindi naman na kailangan talaga. Of course I know the guy. Nanligaw siya sa aking nung mga panahong gustong gusto ko si Tuesca.
He's with a woman. A beautiful one.
"It's really you! Wow look at you. Wala pa din kupas. Still gorgeous as ever!" eksaheradong sabi nito na ikinatawa ko lang.
"Salamat. Kumusta ka na, Francis?" nakangiting inabot niya ang kamay ng babaeng kasama atsaka muling nagsalita.
"Heto, masaya. Sobra."
"All thanks to you." Sabat naman ng kasama niyang babae. Kumunot naman ang noo ko sa narinig.
"Thanks to me? Ha?" puno ng pagtataka na sabi ko. Ngumiti naman si Francis at hinalikan ang likod ng palad ng babae.
"This is Kean nga pala. My wife. We met each other when I was so broken. Nung panahon na naging kayo ni—what was her name again...Ah, Alison! Tama. I met my beautiful wife the same day you rejected me. Hindi ako bitter ha. Basta she saved me from misery. Kaya salamat kasi nireject mo ako. Dahil doon, I had the chance to meet this goddess beside me." nakatitig naman sa akin ang asawa niya. Staring at her eyes. Wala akong mahagilap na pagseselos mula sa mga iyon. Ganoon na lamang siguro ang tiwala nito sa pagmamahal ni Francis sa kanya. Pagmamahal.
"Ganoon ba? Glad I was able to help?" hindi siguradong sabi ko. Natatawa pa nga ako kasi wala naman talaga akong ginawa.
Napabungisngis na din ang dalawa. Ilang minuto pa kaming nag usap bago bumalik sa table nila ang mag asawa. Bestfriend pala ni Kean ang ate ng may birthday.
Napasunod ako ng tingin sa kanila. Kasama nila ang anak nila na sa tantiya ko ay nasa anim na taong gulang na din.
Napakapa ako sa aking kaliwang dibdib. Parang may kumirot sa akin nang mapagmasdan ko ang kasiyahan nila. Hindi ko maipaliwanag itong bigat na nararamdaman ko ngayon. I guess this is envy. It made me think of my what if's in life.
Paano kung itong taong ito ang sinagot ko? Ganoon din kaya ako kasaya tulad ni Kean?
What if, noong 16 ako, hindi ako sumama sa pinsan ko sa Clark nang magpasama siya? Siguro di ko siya nakilala.
Ano kaya ang nangyari sakin kung sakaling hindi nga nagtagpo ang mga landas namin? Masaya na kaya ako tulad nila?
May asawa at anak na din kaya ako?
Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi bago ko kinuha at sinimsim ang wine.
Nang maibaba ko ang baso ay napahinga ako nang malalim at nagpaalam sa mga kasama ko sa mesa.
"Tita, Tito, Sa labas lang muna po ako. May kailangan lang po akong tawagan." palusot ko. Nakaiintindi na tinanguan naman ako ng mga ito.
"Sure. Go ahead, hija."
Nagmamadaling lumabas ako at naglakad ng naglakad hanggang makarating ako isang hardin na tingin ko ay bahagi pa din ng Aly's Garden.
Naglakad ako papunta sa isang puno at dumausdos paupo.
Hindi ko alam. Naramdaman ko nalang na nag init ang mga mata ko. Napapikit ako at pinili nalang tumingala sa langit para pigilan ang mga luhang konti nalang ay papatak na.
Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Raven?
"Hi there, gorgeous! Can I kiss you?" Nagulat ako nang may magsalita sa harap ko. I opened my eyes and stared at her. Natulala ako. Parang hindi naproseso ng utak ko ang sinabi niya.
"Ha—umph!" hindi ko na naituloy ang dapat sana ay sasabihin ko nang masunggaban na nito ang mga labi ko.
What on Earth is happening?!
---------------
8/11/19
BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
RandomAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...