Chapter 20

5K 212 67
                                        


Lumipas ang mga araw ay hindi na bumalik pa si Alison dito. Ang mga araw ay naging linggo hanggang ang mga linggo'y naging buwan at ang mga buwa'y naging taon.

Higit dalawang taon na ang dumaan.

She never showed up again ever since the day she left this province.

Hindi na kami nagkausap pagkatapos ng tawag niyang 'yon sa akin. Ni ha, ni ho, wala. Yung pagkikita namin dito sa Bataan at ang mga pangyayari pagkatapos noon ay naging tila isa lamang mahabang panaginip.

Minsan halos paniwalaan ko na na isa nga 'yong panaginip. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko akalaing may matutunan ako mula doon.

Dalawang bagay.

Una, it is okay to look back but we must not fail to always move forward. Darating din kasi tayo sa punto kung saan kapag lumingon tayo at sumilip sa nakalipas, tatawanan nalang natin ang mga problema ng nakaraan.

Ikalawa, sa buhay, langing nandiyan si 'Pagtanggap" at "pagpapatawad". Lagi silang magkasama kasi mawala lang ang isa, hindi ka sasaya. Patuloy ka lang pahihirapan ng nakaraan. Tulad ng nangyari sa akin.

Mahirap pero alam kong kailangan ko siyang patawarin. Sinubukan ko at hindi naman ako nabigo.

Napatawad ko na si Alison. Kung nasaan man siyang lupalop nag mundo, alam kong masaya na siya. Malayo dito. Malayo sa buhay ko. Ipinagpapasalamat ko 'yon.

Ako? I'm turning 31 and happily married with two kids.

Isang Financial Analyst ang asawa ko habang ang mga anak naman namin ay kambal na lalaki. Masasabi kong masaya na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Masayang masaya.

"Ven, dinalhan kita ng tanghalian. Kainin mo na ako. Oopps. Ibig kong sabihin, kain na tayo." what a way to ruin my day, Alison.

Siyempre imahinasyon ko lang lahat ng 'yon. I'm still the twenty eight year old grumpy professor of Colegio de San Jose while Alison...ugh! Alison is still the same sex fiend who loves annoying the hell out of me.

Tulad dati, masarap pa din siyang paanurin sa ilog na malakas ang agos ng tubig. Yung tipong sa sobrang lakas ay agad siyang makakarating sa dagat. At kapag nasa gitna na siya ng dagat ay aksidente naman siyang hihigupin ng whirlpool. Doon na siya maglalaho sa kasaysayan ng mundo.

Nagpalipas lang po siya ng tatlong araw, bumalik na agad siya dito. May pa surprise pa siya na balita. Tadaaaa! Katrabaho ko na ngayon ang buwiset.

Nagkaroon kasi ng vacancy for a statistics instructor. Nag apply pala siya kaya ayan, araw araw din yata niya akong inaalaska.

I know she said she's sorry for what she did back then. She did regret that. At sinusubukan ko naman siyang patawarin. Kaya lang kasi, araw araw, binibigyan niya ko ng dahilan para kagalitan siya. Balak niya yatang patirin lahat ng ugat sa leeg ko.

Nagkaroon kasi ng vacancy for a statistics instructor. Nag apply pala siya kaya ayan, araw araw din yata niya akong inaalaska.

"Beb, you're spacing out again. Anong iniisip mo? Ako ba? Wag mo na akong isipin, nandito na ako sa harap mo. Gusto mo tabi tayo?" Hindi pa ako nakakapagsalita ay nakatabi na agad siya sa akin. Napahilot ako sa sintido.

Siyempre nakangiti lang si gaga. Ilang segundo ang lumipas ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Unti unti niyang tinakpan ang kanyang bibig ng kanan niyang palad habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa kanyang dibdib.

"Hindi kaya, pinagnanasaan mo na ako? Baka naiimagine mo na ako sa kama mo habang parehong nakatali sa head board ang mga kamay ko. Uhhh...yes." umungol pa ang walang hiya. Nanindig ang mga balahibo ko mula sa likod patungo sa ulo. Madaling umakyat ang dugo sa mukha ko. Mabilis na tumayo ako at lumayo ng ilang hakbang mula sa kanya.

Wala talagang pinipiling lugar ang kabastusan ng bibig nitong babaeng ito. Hanggang dito sa trabaho, dala niya. Kung titignan ko siguro yung phone niya, punung-puno 'yon ng porn. Hindi sa gusto kong pakialaman ang phone niya ha. Kung titignan lang.

"Sino ka? Di kita kilala." sabi ko bago ako naglakad palayo sa kanya. Mabilis naman niyang nahawakan ang braso ko.

"'To naman. Joke lang. High blood ka agad." depensa niya habang tumatawa. Halos mamula na ang buo niyang mukha sa kakatawa.

"Heh!"

"Biro nga lang. Di mo kasi ako pinapansin. Ano ba kasi 'yong iniisip mo."

"Nagiimagine ako."

"Sabi na nga ba!"

"Nag iimagine ako ng isang mundong wala ka sa buhay ko." natigilan siya saglit pero ngumiti din naman.

Apat na buwan na din siyang nagtuturo dito sa school. Bawat araw ay dinadalhan niya ako ng pagkain. Kung anong tanghalian niya, ganoon din sa akin. Nung una, hindi ko tinatanggap pero wala din naman akong nagagawa sa huli. Nang magtagal ay hindi na ako bumibili ng sarili kong pagkain sa cafeteria o mga canteen sa labas.

Kahit si Henly ay sanay na sa araw araw na pambubwiset niya sa akin.

Ipinagpapasalamat ko na nga na tuwing kabastusan ang lalabas sa bibig niya ay ibinubulong lang niya. Kahit papaano ay may nakadikit pa namang hiya sa balat niya. Kung wala, baka inihabol ko na siya sa araw ng mga patay.

"So, kumusta naman ang mundo na wala ako? I'm sure it was miserable. Alam ko na ang iniisip mo. 'Ah, bakit walang isang tulad ni Alison dito. Ang maganda, mapagmahal, at magandang magandang si Alison. This life is a waste!' Is what you think. A life without me is—" I cut her off.

"Sad and dull, Ali. It was black and white." pinitik ko ang noo niya. "Joke lang." Kinuha ko ang dala niyang pagkain at naglakad palabas ng faculty.

-----------
11-03-19

At dahil tinulugan ako ng mga kaibigan ko sa mala haunted house na 'yon, may update tayo. Wala akong tulog! 😣

Buti nalang dead spot kasi kung hindi, baka anime lang uli ang inatupag ko habang pinalilipas ang gabi. hahaha.

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon