- nineteen -

801 71 6
                                    


Katahimikan ang bumalot kina Dale at Edrian habang bumabyahe. Si Edrian na seryosong nakatingin sa daan at si Dale na panay lamang ang sulyap sa binata. Bigla na lamang tumunog ang phone ng dalaga.

Kinuha niya sa kanyang purse ang cellphone . Napakunot ang noo niya ng makita kung sino ang tumawag.

Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tawag, "Hello Dad"

"Dale, I need you next week. There's a company event and I want you to be there", sabi ng Daddy niya na nasa pinal na tono na tila hindi siya pwedeng humindi.

Napairap ang dalaga sa kawalan, "Do I need to? Ano namang gagawin ko 'dun?"

"You're my daughter, you are part of my business"

"But -"

Narinig niyang bumuntong hininga ang kanyang ama, "Just give me this time, anak. Kahit yun na araw na lang, tigilan mo muna ang pagpunta sa bar", pabor ng kanyang ama.

Hindi naman sa ayaw niyang makita ang Daddy niya, ayaw lang niyang pag-usapan siya doon. Mabait naman ang asawa nito ngunit ramdam niyang ilap ito sa kanya.


"Yeah. As if I have a choice", umirap muli siya, "See you tomorrow then"

"Thank you, Dale. See you tomorrow, I love you, anak"

"Love you, too. Bye"

Umiiling na ibinalik ni Dale ang cellphone sa kaniyang purse. Sanay naman siya sa ganun. Naalala lamang kapag kinakailangan. Tatawagan kapag ginusto ng kanyang mga magulang. Tanggap na niya na ganun ang kanyang sitwasyon.

Sa lalim ng kanyang iniisip ay bahagya pa siyang nagulat na huminto ang sasakyan ni Edward. Nilingon niya ang binata na ngayo'y nakatingin sa kanya.

"Is there any problem?", tanong nito.

Umiling lang sya at iniwas ang tingin, "Wala", bumaling ulit siya sa binata at binigyan ng malawak na ngiti habang nakataas ang kilay, "By the way, thanks for the ride! Aalis na -"


Hindi na nya natapos ang kanyang sinabi dahil biglang nagsalita si Edward, "I'll go with you. Let's go", sabi nito saka lumabas ng sasakyan.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon