- three -

1.5K 87 2
                                    

Pagdating nila sa Rave ay agad silang sinalubong ng mga kaibigan ni Dale.

"Oh god Dale! You're finally here! I missed you", sabi ni Coleen at hinalikan siya nito sa pisngi at niyakap.

Makakasama nila ngayon ang mga college friends ni Dale. Somehow, reunion din nila 'to. Reunion almost every night.

"I missed you too, Coleen!", sabi niya rito sa kaibigan, "Are we late? Did we miss something?"

"Not really. Kadarating lang din namin"

Tumango naman si Dale at ipinakilala niya si Trisha kay Coleen, "By the way, I'm with Trisha", sabi niya rito saka bumaling kay Trisha, "Trish, this is Coleen, I know you already know her", tumango naman si Trisha, "And this is Trisha, Coleen. My sister from another mother", ngumiti si Dale sa kaibigan. Nagkakilanlan naman ang dalawa. 

Pagkatapos ipakilala ang kaibigan ay agad na silang dumiretso sa kung saan nakapwesto ang kanilang iba pang kaibigan. Konting kamustahan lang at nagsimula na silang mag-inuman.

"Punta tayo sa dance floor!", yaya ng mga kaibigan ni Dale. Well, she is known to be a dancer back when they were still in college kaya agad naman itong sinang-ayunan ng dalaga. Niyaya rin naman niya si Trish ngunit umiling lamang ito.

Papunta pa lang sila ng dance floor, ay marami na siyang nakasalubong na kakilala. Paano ba naman kasi ay laman siya ng bar halos gabi-gabi. Since she is known to be 'friendly', siyempre nakikipag-usap din siya sa mga ito kahit saglit lang.

"Whoooo! I love this!", sigaw ni Dale pagkatapos nilagok ang inumin at binigay sa isang waiter ang basong walang laman. Medyo marami na rin siyang nainom and all she wants to do is to dance. It's her way of telling the world na malaya siya at kahit papaano ay tanggap siya ng mundong kanyang kinasanayan.

"I'll just go to the rest room", paalam niya kina Coleen. Medyo nahihilo na rin siya dahil siguro sa alak na nainom niya. Hindi na siya nagpaalam kay Trish na naiwan sa couch at busy na rin sa pakikipag-usap sa iba pa niyang kaibigan.

Pagkatapos mag wash-up ay umupo muna siya sa tapat ng bar counter kung saan may iba pa siyang kakilala.

"Margarita, please", sabi niya sa bartender.

Habang naghihintay sa inumin ay napatingin siya sa katabi na tahimik na umiinom.

Hindi niya maiwasang titigan ito. Bukod sa tahimik ito ay namamangha siya sa hitsura nito. Kahit medyo madilim ay kitang kita niya ang makinis nitong balat, ang mahahabang pilikmata at matangos na ilong. Hindi niya namalayan na sa tagal niyang tinitigan ang lalake ay kanina pa siya tinatawag ng bartender.

Bumaling siya sa bartender at humingi ng paumanhin. Ibinalik niya ang tingin sa lalake at nagulat na lamang siya na mariin itong nakatitig sa kanya ngunit hindi niya naman pinahalata. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka ito umiiling at itinuon ang pansin sa iniinom. Hindi siya makapaniwala sa asta nito. Maya-maya pa'y may lumapit sa kanya na isang lalakeng hindi niya naman kilala.

"Hi. I'm Lucas. You are?", sabi nito at naglahad ng kamay.

At dahil siya si Faith kagabi, ngayon naman ay siya si, "Hope", at nilahad niya ang kanyang kamay rito. Matagal pang binitawan ng lalake ang kanyang kamay ngunit hindi rito nakatuon ang kanyang pansin ngunit nasa lalakeng tinititigan niya kanina na ngayo'y nakatingin na rin sa kanila.

Medyo naaasiwa siya sa kilos ng lalake dahil medyo touchy ito kaya hindi siya komportable. Bigla na lamang may humablot sa kanya at gulat siya nang bigla itong magsalita, "That's enough, Let's go", sabi nito at hinila siya palabas ng bar.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon