- fifteen -

809 68 2
                                    


Nafufrustate na kasi ang dalaga sa kaniyang ginagawa. Na halos araw-araw ay nagpapapansin siya sa lalake ngunit wala naman itong imik. Naroon ang bigyan niya ito ng breakfast o di kaya'y kape o di kaya'y makikisabay siya rito. Nagmumukha na siyang tanga kaya pinapagalitan na siya minsan ng kapatid niya.

Lumabas siya ng bar. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya yun para sa isang lalake na wala namang pakialam sa kanya.


Nagmamadali siyang pumunta sa parking lot ng biglang may bumangga sa kanya. Napapikit siya ng mariin ng muntik na siyang matumba, mabuti na lamang at may maagap na nakahawak sa kanya.

"Fck!", she cursed.

"A-Are you okay, Dale?", tanong nito sa kanya. Kilala niya ito. Kilalang kilala.


Unti unti siyang napadilat nang makita ang pagmumukha ng lalakeng kinamumuhian niya at matagal na niyang hindi nakita.


"Bwisit na buhay naman oh?!", sabi niya sa kanyang sarili at nasapo pa niya ang kaniyang noo. Kailan kaya tatahimik ang buhay niya?

"May masakit ba sa'yo, Dale?", tanong ng nakabangga niya.

"Stop being concerned Clark! As if you care", irap na sagot niya dito at tinalikuran. Nakita niya kasing palapit si Edward sa kaniya kaya nagmamadali rin siyang pumunta sa kaniyang kotse. Ayaw niyang maabutan siya nito. Hiyang hiya na nga siya sa sarili, baka ipahiya pa siya nito sa harap ng maraming tao.


"Dale!"

"Hey!"


Rinig niya pang sigaw ng dalawa kaya dali daling siyang pumasok sa sasakyan at humarurot paalis, "Bwisit!". she cursed.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon