- thirty -

835 68 3
                                    

Dahil hindi na makalakad ng maayos ay binuhat ni Edward ang dalaga patungo sa unit niya. Nakatulog rin kasi ito sa sobrang daming nainom.



Nang mailagay na niya sa kama si Dale ay tinitigan muna niya ito bago tumayo. Napabuntong hininga na lamang ang binata.





Mabilis lumipas ang araw at madalang na rin ang pagkikita nina Dale at Edward dahil na rin sa trabaho ng binata. Patuloy pa rin ang dalaga sa kanyang ginagawa. Sa umaga ay naghihintay lang ng tawag para sa kanyang modelling stints, sa gabi ay laman ng bar. Madalas ay kasama nito ang mga pinsan o di kaya'y mga kaibigan.



"So ano na, Dale?", tanong ng kanyang pinsang si Em. Papunta sila sa isang bar kasama ang mga pinsan pati na rin ang kaibigang si Trish.



"What?!", natatawang sabi ni Dale. Kanina pa kasi siya kinukulit ng mga ito. Halos gabi gabi ay tinatanong kung anong nangyari sa kanya nung gabing umalis siya sa event ng Daddy niya. Hindi naman nkya sinasagot ang mga ito.



Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang nangyari pagkagising niya matapos ang tagpong iyon. Napangiti tuloy siya sa kawalan.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon