- thirty-four -

777 79 2
                                    

Napailing na natatawa ang dalaga. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng binata.



"No. I don't believe you", sabi nito habang ang isang kamay ay nakapameywang at ang isa naman at nakasapo sa kanyang noo.



Nasapo ng binata ang kanyang noo at naihilamos ang mukha.



"Yes! I don't believe myself either! Look at you! you're wearing something showing too much of your skin! You're a party girl, you're flirting with anybody, you're the opposite of the girl that I want to be with!", sabi ng binata.



Hindi makapaniwala ang dalaga. Hindi niya namalayang tumulo na pala ang luha sa kanyang mga mata. Tila namanhid siya sa sinabi nito. Oo, alam nyang hindi siya 'yung tipo ng babaeng nagugustuhan ng mga lalake pero hindi rin niya masisisi ang sarili kung bakit naging ganun siya. Wala naman siyang ginagawang masama.



"But guess what? I started to like you. I started to care for you that I even want to be with you all the time para hindi ka mabastos tuwing pumupunta ka dito!", mariing sabi ng binata.




Napahawak si Dale sa kanyang dibdib dahil parang hindi niya kinakaya ang kanyang mga narinig. Lumapit naman sa kanya ang binata saka hinawakan ang kanyang magkabilang balikat.




"Know your worth, Dale. I didn't say this to you because I want you to change. I want you to realize everything, everything that you are dealing with everytime you are here"



Umiiling ang dalaga.



"Hindi mo alam! You don't know everything, Edward! You don't know me"



Niyakap sya ng binata, "Yes, I don't know everything about you. I don't know anything but I want to know everything"



Umiiyak na napayakap ang dalaga sa binata. Napakapit ito ng mahigpit kay Edward. Hinahagod naman ng binata ang likod ni Dale.





"I like you, believe me, I am liking you every now and then"

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon