- fifty-nine -

758 57 0
                                    

Hindi rin naman sila nagtagal sa bahay ng ina ni Dale kaya dumiretso na sila kina Edward. Ayaw na ayaw niya kasi nakakasalamuha ang mga kaibigan nito. Lalo pa't palaging pinapalapit ng ina si Clark sa kanya. Kaya hiyang hiya siya kay Edward.


"I'm sorry, Love. I'll talk to Mom about it", sabi nya rito.


Papunta na sila ngayon sa bahay nina Edward. Kinuha nito ang kanyang kamay saka hinalikan, "Don't be sorry. I understand your Mom", he said, "Besides, mas gwapo naman ako kesa sa Clark na 'yon"



Natawa na lamang si Dale sa sinabi ni Edward. Napangiti lang din ang binata sa naging reaksyon nya.



Pagdating nila sa bahay nina Edward ay nakangiting sinalubong sila ng ina nito. Kasama rin nito ang asawa na naglahad ng kamay upang yakapin sya. Tinanggap rin naman niya ito.



"How are you my daughter?", tanong ni Mommy Caitlyn, nagulat naman sya sa sinabi nito kaya napatingin sya kay Edward na ngayo'y nakatingin rin sa kanya. Tumango lamang ito.



Bumaling syang muli sa ginang at ngumiting sinagot ang tanong nito, "I'm okay po, kayo po?"



"I'm okay iha, masaya akong bumisita kayo rito sa bahay", sabi nito.



Hinila sya nito papunta sa kusina. Naiwan sina Edward at ama nito sa kanilang kinatatayuan kaya napalingon sya dito. Sakto namang tumingin rin si Edward sa kanya at ngumiti ito sa kanya kaya napangiti rin sya rito.



"Kain ka pa iha", sabi ng ina ni Edward. Nahihiya rin naman syang tanggihan ito kaya pinaunlakan naman niya, "Matutuloy ba ang lakad mo sa susunod na araw anak?", tanong nito kay Edward. Napatingin naman sya sa binata nang may pagtataka. Wala naman kasing sinabi ito na aalis sya. Tila napansin naman ng ginang na tila walang alam si Dale kaya nagsalita ito, "Uhmm, I'm sorry, I thought she knows, Edward"



Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa ginang at kay Edward. Naguguluhan pa rin sya. Gusto niyang magtanong sa binata ngunit nahihiya naman sya.



"It's okay Mom", he said, "Actually, I'm bringing Dale with me"



Nagulat naman sya sa sinabi nito. Hindi niya inasahan dahil nga sa walang sinabi ang binata.



Tumikhim naman ang ama ni Edward, "Let's not talk about business here", sabi nito.



Tumango naman si Edward at tumingin sa kanya, napatingin sya rito. Ngumiti naman sa kanya ang binata saka bumulong sa kanya, "I know what you're thinking. Let's talk about it when we get home", Tumango na lamang sya at ngumiti.



Marami pa silang napag-usapan ng pamilya ni Edward. Lalo na si Mommy Caitlyn na kinwento ang pagkabata ni Edward kaya tawa sya ng tawa. Makulit rin pala ito. Kaya nakaramdam sya ng kasiyahan sa pamilyang ito. And she's thankful enough na may nagpaparamdam sa kanya ng ganito at tanggap sya sa kung sino sya.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon