- thirty-nine -

790 76 2
                                    

Pagkatapos mamili at kumain ay nagpaalam na si Trish na uuwi dahil may gagawin pa raw ito.


"Wala kang dalang sasakyan, right? You'll take a cab na lang? Or you will call your Mommy's driver? Andami mo pa namang dala", sabi nito sa kanya.


Napairap naman si Dale dito, "No way in hell I will call their driver", sabi nito at tinaasan ng kilay si Trish, "But don't worry about it, someone will fetch me.. oh he's actually here already".



Napangiti si Dale habang papalapit si Edward. Nakasuit pa kasi ito na animo'y isang modelo na may mala-anghel na mukha na naglalakad patungo sa kanya.



"Hi sweetie! I missed you", sabi ni Dale at niyakap si Edward saka hinalikan sa pisngi.


Ngumiti naman ang binata, "Miss you, too".


"Uhmm.. Dale? Kayo na?", singit ni Trish.


Napabaling sina Dale at Edward sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa at tumingin muli kay Trish na ngayo'y nagtataka sa kasweetan ng dalawa.



"Di pa ba halata? Do I need to spell it for you?", sabi ni Dale sa kaibigan saka tiningnan si Edward at kumindat. Natawa na lamang ng bahagya ang binata.



"Really?", hindi makapaniwalang sabi ni Trish at tiningnan si Edward. Napatingin din dito si Dale at hinihintay ang sagot ng binata.



Nagpalipat-lipat ng tingin ang binata sa dalawa ngunit nagtagal ito kay Dale saka sumagot, "Yeah", at sumilay at napakagandang ngiti na nakita ng dalaga sa tanang buhay niya.



Napairap naman si Trish ngunit kalaunan ay natawa na lamang sa nangyari. Hindi niya alam kung seryoso ba talaga si Dale ngunit nakikita naman niyang masaya ang kaibigan at first time niya itong makitang nagseryoso sa lalake. Seems like Edward change her in just a little span of time, huh?

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon