- seventy-five -

789 55 2
                                    

Papunta na sina Edward at Dale sa bahay ng Daddy nya. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan ngunit di naman nya alam kung bakit.

"Are you okay love?", tanong ni Edward sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay, "You're fidgeting"

"Kinakabahan ako", simpleng tugon niya.


Edward kissed Dale's hand, "Don't be, wala naman tayong ginagawang masama", he said, "Not when you tell him what we did in bed", mahinahong sabi nito.


Nanlaki tuloy ang mata ni Dale kaya nahampas niya ang braso ni Edward na ngayo'y tatawa-tawang nakatuon sa daan.


"You're crazy!", she said, "Sino bang gustong magkwento nun sa kanya?! Grabe!", hindi makapaniwalang sabi ni Dale.


He chuckled, "Kaya nga I told you. Baka hindi lang suntok abutin ko sa kanya"


Napailing na lamang tuloy ang dalaga.


Pagdating nila sa bahay ng ama ay agad silang sinalubong nito pati na rin ang asawa nito. Bumati naman sya sa mga ito gayun na rin si Edward.


"Good evening Mr. Enriquez", bati ni Edward.


"Good evening rin sayo iho", he replied, "Pumasok na kayo at nakahanda na ang dinner"


Ngumiti naman si Dale at Edward dito. Inalalayan ng binata ang dalaga papasok sa bahay ng ama.


Sa dining table ay nakahain ang iba't ibang pagkain. Magaling magluto ang asawa ng kanyang ama at sobrang maalaga rin kaya siguro nagustuhan ito ng kanyang Daddy. Mapait syang ngumiti sa kanyang naisip.


"Upo ka na iha", mahinahong sabi ng asawa ng ama. Tumango naman si Dale kaya pinaupo na rin nya si Edward, "Wala nga pala si Vince, Dale. May inaasikaso pa sa ginagawang project nila".


"Ah, yeah. It's okay", sabi nya rito. Ngumiti lang naman ang ginang sa kanya.


Nasa kabisera ang kanyang ama. Katabi nya ito sa may kanan at katabi nya si Edward. Kaharap naman nya ang asawa nito.


"So Dale, you didn't told me nagkakamabutihan na pala kayo nitong si Engr. Edward?", tanong ng ama sa kanya.


Pilit naman syang ngumiti dito saka napatingin kay Edward na nilalagyan ng pagkain ang kanyang pinggan. Ngumiti naman ito sa kanya pagkatapos.



"Ah, yeah", tipid na sagot nya.



Hindi nya inaasahang magiging ganito ang asta ng ama. Hindi nya kasi alam kung bakit ganito ang pakikitungo ng ama.



"Buti naman at napabago mo ang anak ko, Engineer", sabi nito. Napayuko naman si Dale kaya hinawakan ni Edward ang kanyang kamay kaya napatingin sya rito. Ngumiti naman ito sa kanya at pilit na rin syang ngumiti dito.



"I didn't changed her, she chose to change all by herself", Edward said na nagpangiti sa kanya, "And I'm so proud of her in choosing that. It's not easy to cope with her habit but she finally let go of it. You may say that Dale is a hard headed one but she has the heart to love someone and express it in her own way. I'm happy for that anyway. I love her and I will love her, and I trust her, I guess that's the most important thing we should have both"


The dinner turns out well kahit naging hindi sya nasanay sa pakikitungo ng Daddy nya sa kanya. Naging masaya naman sya lalo pa't hindi sya pinabayaan ni Edward at kung nagiging tensyonado na ang usapan ay iniiba ng asawa ng Daddy nya ang usapan.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon