- twenty-nine -

784 67 2
                                    


Pagdating ni Dale sa Music and Booze lounge ay agad siyang dumiretso sa bar counter. Wala siya sa mood sumayaw. She all want to drink, that's all.



May mangilan-ngilan rin naman siyang nakakausap habang umiinom sya dito. Medyo magaan na rin ang pakiramdam after what happened in the event.



Nakakarami na siya sa pag-inom ng alak nang bigla na lamang may humablot nito. Napatingin siya rito at hindi na siya nagulat kung sino ito.



"Go get your own", malamig niyang sabi dito saka umorder ng panibagong inumin.




"That's enough. You drunk too much", sabi nito. Aagawin na sana ang hawak niyang inumin ngunit nilagok niya ito agad.




"You don't have to follow me here. I just want to be alone", sabi nya dito.



"Then what? Get drunk? Flirt with another guy? Is that what you want in your life -", hindi na nito natapos ang pagsasalita ng biglang sumabat si Dale.




"If it is the only way that everyone will notice me then yes!", sabi ni Dale dito saka nilagok ang alak, "Tell me, is there something wrong with me? Am I that disgusting? Why do people hate me? Why don't you like me?", mababakas ang sakit sa mga sinabi ng dalaga ngunit pilit niyang pinapalakas ang sarili kaya'y dinadaan na lamang niya ito sa pag-inom ng alak.




Hindi maintindihan ng dalaga ang mga nangyayari sa kanyang buhay. Na kahit anong gawin niya ay parang wala lang sa lahat lalong lalo na ng kanyang mga magulang.



"I didn't say that I don't like you. Dale, you're already drunk and look at what you're wearing. You're showing too much skin -"



"Is that the reason why you won't like me?", tanong nya dito. Malamig lang naman syang tiningnan nito.




Tumayo si Dale upang harapin ang binata pero bahagya itong nawalan ng balanse kaya inalalayan ng binata,"Tell me Edward, mahirap ba akong mahalin?"




"Stop talking. Let's go home", sabi nito. Napayakap na lamang sya sa binata dahil sa inaantok na rin sya at parang nawalan rin sya ng lakas.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon