- thirty-five -

797 73 1
                                    

Umuwi sina Dale at Edward sa kanilang tinutuluyan. Minabuti ng binata na sa kanyang unit na lamang pagpahingahin ang dalaga dahil sa lasing na rin ito.



Matapos mailagay ng maayos ng binata ang dalaga sa sarili nitong kama ay inayos muna nya ang kumot nito saka hinalikan ang noo ni Dale. Nagbihis muna siya sa sarili niyang banyo saka naglagay ng pamalit na damit sa may closet niya at kumuha ng unan upang matulog sa kabilang kwarto.


Dahil nagkakamabutihan na ang dalawa, ay naglalagi si Dale sa unit ni Edward tuwing nandoon ang binata. Minsan kapag may pinupuntahan siya ay sinusundo siya ng binata bagay na sobrang ikinasasaya niya.



"Hi! Malapit na itong matapos, just stay there"



Sa gabing ito ay nagluto sya ng dinner para sa kanilang dalawa. Syempre, nahihiya naman siya rito dahil palagi na lamang itong nagluluto para sa kanila.



"What are you cooking?", tanong ng binata. Lumapit ito sa kinaroroonan ng dalaga at humilig na nakatalikod sa sink na 'tila nakaharap sa dalaga.




"Beef with broccoli, fave ko kasi 'to", sabi ng dalaga at bumaling nang nakangiti sa binata.



Tumatango-tango naman ang binata.



Pagkatapos maghain ay kumain na silang dalawa. Marami rin silang napag-usapan tungkol sa naging trabaho ng binata.



Hindi rin naman nagtagal napagdesisyunan nang umalis ng binata.



"By the way, why are you dressed up? May pupuntahan ka pa?"




Ngumiti si Edward sa kanya, "No. But I won't sleep in my unit. I'm going home in my mom's place"




Pilit na ngumiti ang dalaga saka tumango, "Okay. Take care, Edward"



"You also. I'll go now. Rest well", sabi nito at hinalikan sya sa noo saka umalis.



Napakagat naman ng labi si Dale habang tiningnan ang binatang palayo. Kinikilig siya at ninanamnam ang tibok ng kanyang puso.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon