- seventy-four -

824 55 3
                                    

Mabilis lumipas ang araw, nakabalik na rin sila sa Maynila. Nagpasyahan na rin ni Dale na lumipat sa unit ni Edward dahil pinahiram nya ang kanyang unit sa nangangailangan niyang kakilala.

Nagluluto si Dale ng agahan para sa kanilang dalawa ni Edward. Maaga kasi sa trabaho ang binata dahil may meeting pa itong kailangang puntahan.

"Hindi ka ba sasabay sa akin sa work?", tanong ng binata sa kanya habang kumakain.

Umiling sya dito, "Hindi na. I have something to do. May pinapagawa pa si Raf sa akin, kailangan ko lang tulungan. After that, susunod na ako sa'yo", sabi nya rito.

Nagpatuloy sila sa pagkain. Si Dale na rin ang nagligpit dahil nagmamadali na si Edward at baka malate pa ito sa maagang meeting.

"I have to go. Take care here, okay? Sunod ka agad kapag tapos ka na", bilin nito sa kanya, "Let's have lunch together later. Alright? I'll wait for you"

Tumango naman sya, "Okay", sabi nya rito.

Edward leaned closer to Maymay saka hinalikan sa labi, "Bye baby, I love you"

"I love you, too", sabi nya rito at pinanood si Edward na umalis saka pumasok sa sarili nilang unit.

She is happy with what they are right now. Ramdam nyang mahal na mahal sya ni Edward. Sobra kasi itong maalaga na sa tanang buhay niya ang hindi nya naranasan kahit sa mga ka close nyang pinsan. Napangiti tuloy sya sa naisip.

Tulad ng napag-usapan ay sabay silang naglunch ni Edward. Nagpadeliver lang naman sila dahil marami itong kailangang gawin sa opisina. Ganun rin sya.

"Love, Daddy called earlier. He invited us for dinner raw sa bahay nila", sabi ni Dale kay Edward.

Nagtataka nga sya kanina kung bakit tumawag ang kanyang Daddy at nalaman pa ang tungkol sa kanila ni Edward. Ngunit di na rin sya nagtaka rito dahil nasabi na ata ni Vince.

"Ah, yeah. He told me earlier. Nasa meeting kasi sya kanina", sabi nito. Tumango naman sa kanya si Dale.

Naging busy ang dalawa ngunit di rin naman sila nawawalan ng oras sa isa't isa. Minsan pa nga ay nasa office lang ni Edward si Dale kahit wala syang trabaho. Trabaho lang niyang pagmasdan ang gwapong mukha ng binata.

"Baby, come here", sabi ng binata at inilahad pa nito ang dalawang braso upang makalapit sya rito. Agad syang niyakap nito at pinaupo sa kanyang kandungan. Nakahilig ito sa swivel chair habang sya naman ay nanigas sa kanyang inuupuan.

"Hmm? What's the problem, Love?"

"Nothing. Just tired", he said, "I want to go home. Cuddle with you all night. Hmm", sabi nito at isinubsob ang kanyang mukha sa leeg ni Dale.

Bigla na lamang pinamulahan ng mukha ang dalaga. Buti na lamang ay hindi ito makikita ni Edward.

"You have to work, Love. Marami ka pang kailangang gawin", sabi nya rito at hinaplos ang pisngi.

Mapupungay na mga mata ang sumalubong kay Dale. Tila nanghina sya sa titig nito ngunit nilakasan na lamang niya ang loob.

"Yeah. For our future", mahinahong sabi nito.

Hindi maiwasan ni Dale na napangiti nang narinig iyon mula sa binata. So he wants to spend the future with her? Hmm. Di nya tuloy maiwasang mag-imagine. Edward will be the most loving husband siguro.

"I love you so much baby", he said.

"I love you too, love", she replied

Ngumiti naman ang binata and he pressed his lips to her.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon