- twenty-four -

760 73 0
                                    


Nagising si Dale na masakit ang ulo kaya sapo-sapo niya ito habang tumatayo mula sa kama. Alam niyang hindi ito ang kanyang kwarto dahil sa interior nitong kulay abo at amoy lalake pa. Wala na rin si Edward sa tabi niya. Actually, naaalala niya ang nangyari kagabi. That kiss, that damn kiss. Marami na siyang nahalikan but that was her first time she feels something butterflies in her stomach. Napangiti tuloy siya habang papunta sa banyo at maliligo. Nandito rin naman na siya, edi sasagarin na niya.



"Hi. I'm sorry nakigamit ako ng bathroom. Nanlalagkit kasi ako", sabi ni Dale. She's wearing his white polo and boxers. Since nasa isang table lang naman ito at hindi pa naayos sa lalagyan, kumuha na siya ng masusuot.



Nakita niya ang binatang nagluluto sa kusina. Nakaharap sa kanya ang broad shoulders nito. Likod pa lang, sobrang hot na.



Bumaling sa kanya ang binata at pinasadahan siya ng tingin sabay tango, "Yeah. I cooked breakfast. Eat before you leave"



Napangiti pa siya lalo sa sinabi ng binata kaya walang anu-ano'y umupo sya sa table nito habang pinagmamasdan ang binatang nagluluto.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon