- fifty-four -

828 60 2
                                    


Niyaya ni Edward si Dale na maglunch sa isang kilalang resto. Date na rin nila ito since madalang na lamang silang magkasama dahil sa kanilang mga trabaho. Oo nga't nagkikita naman sila ngunit hindi naman sila nag-uusap ng matagal.



"What's yours Dale?", tanong ni Edward habang tumitingin sa menu.



"Beef broccoli", sagot nito.



"Your favorite?"



"Yeah"



Sinabi nito sa waiter ang order nila at ibinigay ang menu dito.



Itinukod ni Edward ang kanyang siko sa mesa at inilagay ang kanyang baba sa pinagsiklop nitong kamay. Mariing nakatitig siya kay Dale na animo'y sinusuri ang mukha ng dalaga. Pinamulahan tuloy ng mukha si Dale.




"Stop that", sabi nya sa binata dahil naaasiwa sya sa paraan ng pagtitig nito.



He chuckled, "I'm not doing anything", he said and tilted his head para makita ang namumulang si Dale.




"You're staring at me. Stop that", sabi niya rito.




"Why? What's wrong with what I'm doing?", he said playfully.



"Oh shut it up, Love. Nahihiya ako"



"Why? You're gorgeous. Sa dami ng tao na nakatitig sa'yo, sa akin ka pa nahiya"



"Ah basta. Ayokong tinititigan mo 'ko"



"What if I will", he said, "Besides, you're cute when you're blushing", and then he chuckled.




Minsan naaasiwa talaga siya kapag tinititigan siya ni Edward. Kasi nakikita nitong namumula siya. She didn't really know how playful her boyfriend is because she knows him as a cold handsome guy before.



"Looove?", paglalambing niya rito upang tumigil na sa kaasar sa kanya.



"Okay okay. I'll stop na", sabi nito sa kanya at natatawa pa. Napailing na lamang si Dale sa kapilyuhan ni Edward.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon