- forty-nine -

768 67 3
                                    


Pagdating nila sa kompanyang pinagtatrabahuan ni Markus ay sinalubong naman sila agad nito. 'Tila nagmamadali pa ito dahil kailangan daw ni Dale makausap ang boss niya na nagpakunot sa dalaga.



"This is urgent hiring, Dale. No need for interview. Alam ko namang kaya mo. You're one of the best student sa school noon, di ba?", sabi ni Markus nang nasa elevator na sila. Napairap naman ang dalaga.



"Bolero mo pa rin, Markus", sabi ng dalaga na nagpatawa sa dalawang kaibigan.



Paglabas nila sa elevator ay di pa rin niya maintindihan si Markus. Nagtatalo pa sila kung bakit hindi na siya kailangang iinterview gayong baguhan siya sa kompanya. Alam naman niya ang magiging trabaho niya.



"I don't really get it, Markus", sabi ni Dale.



"Ewan ko sa'yo, Dale. Ikaw lang yata yung gustung-gusto magpainterview eh", sabi ni Markus sa kanya.



Natawa naman si Trish kay Dale, "Oo nga naman, Dale"



Napairap naman ang dalaga, "Kasi naman - "



"Oops. We're here. Now stop talking and meet your boss", sabi nito sabay kindat at pumasok na sila sa opisina. Laking gulat niya ay si Edward ang nadatnan niyang nakaupo sa harap ng mesa.




"Love", tawag niya dito.



Napaangat naman tingin ni Edward sa kanya. Nagulat pa ito nung una ngunit ngumiti rin kalaunan.



"Hey!", sabi nito. Lumapit ang binata sa kanya at yumakap sabay halik sa noo, "What are you doing here? Hmm?"



Sasagot na sana si Dale pero naunahan siya ni Markus, "She's your personal accountant", sabi nito, "But bro, honestly, I didn't know that Dale is your girlfriend"



"Now you know", sabi nito at tumingin sa dalaga habang nangingiti.



Napakunot ang noo ni Dale. Magkaibigan pala sina Markus at Edward. Napatingin siya kay Trish ngunit nagkibit-balikat rin ito.



Ngunit kung magkaibigan ang dalawa, hindi pa pala siya naikwento nito. Nanlumo naman siya sa kanyang naisip.



"We'll talk later", bulong ni Edward sa kanya saka hinalikan sya sa buhok.



Nagpaalam na rin sina Markus at Trish. Naiwan sya sa opisina ni Edward. Tulala syang nakaupo sa sofa hanggang sa tinabihan siya ng binata. Hinapit siya nito papalapit sa kanya.



"Markus knows about it", tila alam ni Edward ang iniisip niya dahil sa sinabi nito. Bahagya pa siyang nagulat, "He knows that I have a girlfriend but he doesn't know that it's you because I don't want everybody to know you"




"Why?", napatingin siya sa binata.



"Because you're mine", sabi nito and Edward gave her a peck in the lips, "So I guess we have lot of time together huh?"


Ngumiti na lamang ang dalaga. She heard him chuckled kaya napasandal na lamang siya sa binata.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon