- fifty-one -

802 62 0
                                    


Tutok si Dale sa kanyang ginagawa. Seryoso siyang nakaharap sa laptop habang pinag-aaralan ang kanyang trabaho. Pwede naman siyang dito magtrabaho since personal accountant siya ni Edward. Minsan naman ay nasa opisina lang siya ng binata ngunit minabuti na lamang niyang dito magtrabaho dahil hindi siya makapagtrabaho ng maayos sapagkat nakatitig lamang siya dito habang seryosong nakatingin sa mga papeles kaya in the end, wala siyang natatapos.



Napangiti na lamang siya sa kanyang naisip at huminga ng malalim saka pinagpatuloy ang trabaho. Hindi nya kasama ang nobyo dahil may site visit daw ito.



Nasa ganung pag-iisip siya nang may nagdoorbell sa unit niya. Sunud-sunod 'yun kaya napakunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahang bisita. Nagtitext naman si Trish kapag pumupunta ito sa unit niya.



Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa bumungad sa kanya. She's really amused. Hindi man lang kasi ito nagsabi, kahit tumawag o nagtext man lang.




"Hello Dale!", sabay sabay ng sabi ng mga pinsan niya.



"H-Hi! Uhmm. What are you doing here?", tanong niya sa mga ito. Nakangisi namang nakatingin ang mga pinsan sa kanya.



Pinapasok niya ang mga pinsan sa sarili nitong unit. May dala pa itong mga pagkain at inumin.



"Because we really missed you, dinala namin ang party dito! Iba kasi talaga kapag present ka", sabi ng isa niyang pinsang si Jim. Napailing na lamang sya sa mga ito.




"How are you, Dale? Ano nang ganap?", tanong ng mga ito sa kanya. Inabutan pa siya ng alak ng mga ito. Tinanggap naman niya.





"Well, I'm working now", sagot niya rito.




"Oh wow! It's really new huh?", sabi ni Jim, "Imagine, the Dalene Enriquez, from a party girl to a full time personal accountant"





Napairap naman siya dito, "People change, Jim"




"I was wondering nga kung bakit hindi na sumasama sa atin si Dale. Like hello? Siya pa nagyayaya sa atin noon right?", sabi ng isa nyang pinsang si Michelle. Tumango naman ang kanyang mga pinsan.




Napailing sya at natawa ng bahagya.




Aaminin niyang nawalan na rin sya ng ganang pumunta sa mga night bars dahil na rin siguro kay Edward. She never had gone to those nung naging sila ni Edward. Hindi naman siya pinagbabawalan nito ngunit choice rin niyang huwag nang pumunta.





"Pero Dale, we're so happy for you. All your life, we witness how cruel the world is to you. Kung wala lang kami, ewan ko kung nasaan ka na ngayon", sabi ng mga pinsan niya.




"And we should also thank Edward too, dahil sa kanya, nagbago ka na. So I guess, kami yata yung bad influence sa'yo?", sabi ni Jim. Natawa naman silang lahat.




"Nah! So glad that I found a family in you. Kung meron man akong dapat ipagpasalamat sa mga magulang ko, kayo 'yun", sagot naman niya rito.



"Let's cheers to that!"



Dale was happy. Masasabi na talaga niyang kontento na siya. Having her cousins with her and of course, Edward too.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon