- sixty-four -

753 52 3
                                    

Kinabukasan ay maaga silang nagising dahil niyaya sila ng mga pinsang ni Dale na magjogging along the coastline road. Gusto kasi raw nilang maranasan ang fresh air dito kaya maaga silang bumangon, at aabangan rin daw nila ang sunrise.


Pagbaba ni Dale galing sa kwarto ay agad na bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Edward. Napangiti pa syang humalik sa pisngi ng binata ngunit agad ding napasimangot nang mariing makatitig ito sa kanyang sinuot.



Bahagya syang lumayo kay Edward at napatingin sa sarili. Ano namang mali sa suot nya? Nakaracerback top lang naman sya at shorts. Perfect for exercise kaya tumingin sya sa binata ng may pagtatanong.



"What's wrong?", tanong nya sa binata.



"You're too sexy. Change", sabi nito sa kanya saka hinawakan ang kanyang dalawang balikat saka pinatalikod at marahang tinulak papunta sa hagdanan.



"But Love, okay naman 'to ah", sabi nya rito ngunit patuloy pa rin ito sa pagtulak sa kanya papunta sa kanyang kwarto.



"No. Change now. Or else .."



Humarap si Dale sa binata ng nakataas ang kilay saka nagcross arms, "Or else what"



Napangisi naman ang binata saka lumapit sa dalaga, "Or else I will punch those guys who are drooling over you when they will looking at you. I. Will. Punch. Them. To. Death"




Nanlaki naman ang mata ni Dale saka dali-daling pumasok sa kwarto. Hindi na sya magkamayaw sa paghahanap ng damit.




"Jacket will do baby!", sabi ni Edward galing sa labas kaya agad nyang hinablot ang hoodie na nasa kanyang maleta. Buti na lamang at may dala syang kagaya nun.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon