- seventy-three -

859 60 1
                                    

Pagdating ng umaga ay medyo tanghali na nang magising sina Dale at Edward. Their itirenary for today is to have beach bonding with her cousins and of course with her boyfriend since wala naman itong trabaho sa araw na ito.

Naunang nagbihis ang dalaga bago ginising ang binata

"Get up now, Love. Baka naghihintay na sila sa atin sa baba", malambing na sabi nya sa binata saka mahinang tinapik ang pisngi nito.

Ngumiti lang naman ang binata habang nakakipikit saka hinapit pa si Dale ng mahigpit. Nagulat tuloy ang dalaga.

"Good morning baby", mahinahong sabi ni Edward.

"Good morning love. Bangon ka na please", sabi nya rito.

Dahan dahan namang dumilat ang binata saka matamis na ngumiti sa kanta at hinalikan ang kanyang noo.

Napangiti naman si Dale sa ginawa ni Edward. Tila huminto ang mundo niya nang makita itong matamis na ngumiti sa kanya. She felt weird pero kailangan niyang magpigil. For pete's sake, hubad pa rin ang katawan ng binata sa ilalim ng kumot.

Nagulat si Dale nang biglang bumangon si Edward. Napatakip pa sya ng mata. Hubad na katawan ang bumungad sa kanya.

"Why did you cover your your eues baby? Nakita mo naman 'to lahat", mapang-asar na sabi ni Edward.

"Ewan ko sa'yo! Ang landi mo!", sabi niya rito sabay bato ng unan at nanatili pa rin syang nakatakip sa mata.

Naramdaman naman niyang lumapit sa kanya si Edward kaya tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama.

"Baby .."

"Stop it! Mygad!", sabi nya rito. Patakbo naman syang lumabas ng kwarto at narinig pa niyang tumatawa ang nobyo. Paglabas niya ay napasandal sya sa pinto habang habol ang hininga.

Pagkatapos mag-ayos ni Edward ay sabay na lumabas ng bahay ang dalawa. Hinawakan naman sya ng binata sa bewang. Napangiti tuloy sya.

"Blooming natin Dale ah", salubong ng pinsan niyang si Jim. Napairap tuloy sya rito. Agad naman itong bumaling kay Edward, "Nakahome run ba bro?"

"Can you just shut up, Jim?!", inis na sabi niya sa pinsan. Natawa lang naman ito. Edward even chuckled.

"Eto namang si Dale, nagtatanong lang eh!", sabi nito saka umalis at pumunta sa iba pa niyang pinsan.

"Don't mind him", sabi nya kay Edward. Natawa lang naman ang binata saka kinurot ang kanyang pisngi.

Pagkarating nila sa mga sun lounger na nakahilera sa dalampasigan, nagulat syang nandito si Valerie. Napakunot ang kanyang noo ngunit ipinagkibit balikat lang naman niya ito. Hinila na rin sya ni Edward sa katabing sun lounger kaya hindi na rin niya ito pinansin.

"You want to swim?", tanong sa kanya ng binata. Tumango lang naman sya, "Okay"

Naglalagay ng lotion si Dale sa kanyang mga binti ng mapansin niyang nakatingin sa kanila si Valerie. Kahit naka aviators kasi ito pansin niyang nakatuon ito sa kanila.

Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya rito, "Love? Can you put lotion on my back? Di ko kasi abot eh", she said while looking at Valerie. Nakita nya pang napataas ito ng kilay. She smirked.

Nilagyan nga ni Edward ng lotion ay likod ni Dale. Hindi tuloy maiwasang mapasinghap sa init ng haplos nito. Nakarobe pa sya pero nakatakip pa ang kanyang harapan kaya si Edward pa lang ang nakakakita sa bikini niyang suot.

Napatingin sya kay Valerie nang tumayo ito. Napatingin pa ito sa kanya ng mapang-asar at tumingin kay Edward na para bang inaakit. Bumaling tuloy sya sa binata ngunit patuloy pa rin ito sa paglalagay ng lotion sa kanyang likuran.

Naghubad si Valerie ng robe sa kanyang harapan at bumungad sa kanya ang katawan nito. Naka one piece bathing suit ito na kulay black. Blanko ang expression na pinakita nya rito ngunit mapang-asar itong nakatingin sa kanya kaya hindi niya tuloy maiwasang mainis. Sumipol pa ang mga pinsan niyang naliligo sa dagat kaya napairap siya rito.

"You done?", she asked Edward.

"Yeah", he said. He leaned closer to her saka hinalikan ang kanyang leeg. Napahagikhik tuloy sya.

"Alright. Thank you", she said at tumayo, "Let's give her a show"

Natawa naman sa kanya ang binata. Unti -unting hinubad ni Dale ang kanyang roba at hinayaan ito sa buhangin. Tumingin sya kay Edward nang mapang-akit kaya napatayo ito at hinubad ang white tshirt na suot. Bigla sya nitong hinila saka siniil ng halik. Dahil nakaharap sya sa dagat ay kitang kita nya ang gulat na mukha ni Valerie at mga pinsan niyang malaki ang ngiti. Napangisi tuloy sya.

"You silly girl. Inaakit mo talaga ako", sabi ni Edward sa kanya nang matapos silang maghalikan.

She smirked, "Nagpaakit ka naman"

"Nakakaakit ka kasi", sabi nito and gave her a peck on the lips saka hinila sya papunta sa dagat. Natawa na lamang tuloy.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon