- seventeen -

803 75 4
                                    


Maagang nagising si Dale dahil magjojogging siya sa labas ng building. Gawain niya naman ito ngunit di nga lang araw araw dahil na rin minsan ay tinatanghali na siyang magising.


Suot ang isang racerback top, cycling shorts at rubber shoes ay ready na siya para sa kanyang exercise ngayong umaga.


Hindi na bago kay Dale na pagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid. Bukod kasi suot niya ay kilala na rin siya nito dahil nga sikat na negosyante ang Daddy niya at sa pagiging freelance model ng dalaga. She's used to be the talk of the town everytime may nadadaanan siya.


Dahil tinatamad ay minabuti na lang niyang kumain sa isang coffee shop sa katapat lamang ng building na tinutuluyan niya. Pagkatapos kumain ay bumili siya ng kape.

Naalala na naman niya ang kanyang ginawa nung gabing iyon. Napabuntong hininga na lamang siya.

Nasa tapat na siya ng kanyang unit ng bumukas ang pinto ng kabilang unit at lumabas ang binata doon, wearing his coat and tie, sobrang gwapo nito, walang wala sa mga lalakeng modelo nakasalamuha niya everytime na may modelling stint siya. As usual, malamig na tingin na naman ang iginawad nito sa kanya. Simula nung gabing iyon, hindi na sila nagkita pa ni Edward ngunit binibigyan pa rin niya ito ng pagkain at iniiwan sa labas ng pinto ng unit nito. Kahit naman kasi nafufrustate siya ay natutuwa na siyang tinatanggap nito ang pagkaing binibigay niya. Effort!


"Hi. Good morning!", bati niya, "Coffee?", nginitian niya ito.

Dumaan ang katahimikan. Mariin pa ring nakatitig si Edward sa kanya kaya binasag na lamang nya ito.


"About last time, I'm sorry, nadala lang ako sa ininom ko. Uhmm.. I mean, forget it", sabi niya rito.


Napabuntong hininga ang binata, "You don't have to do this"


'Tila ba nahulog lahat ng pag-asa ni Dale ngunit agad namang bumalik ang kaniyang diwa ng bigla itong nagsalita.


"Just knock if you need something. You don't have to do this kind of effort. And I can eat with you if you want accompany"


Malaki ang ngiti ni Dale at tumango. Umalis na rin agad si Edward dala ang kapeng ibinigay ng dalaga. Tila may humaplos sa puso ni Dale. May pag-asa siyang nakikita. She smiled at what she thought.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon