- thirty-one -

770 67 4
                                    


*Flashback*



Pagkagising ni Dale ay napansin niyang hindi na ito ang kanyang kwarto. Naalala niyang andami niya sigurong nainom kaya't hindi na naman siya nakalakad ng maayos at dinala siya ni Edward sa sarili nitong unit. Kahit masakit ang ulo ay ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito.



Pagkatapos mag-ayos ay umupo muna siya sa kama ng binata nang may mapansin siyang parang isang album sa side table nito. Kukunin na niya sana nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang lalakeng ubod ng gwapo sa kanyang paningin.



"Join me for breakfast", sabi nito at seryosong nakatingin sa kanya, "Good morning by the way"



Malawak na ngiti ang iginawad ng dalaga na para bang wala itong alam sa nangyari sa bar kagabi, "Good morning! Kakain talaga ako! Sarap mo kayang magluto, kahit mas masarap ka.. uhmm.. tingnan", sabi niya dito sabay kindat. Napailing na lamang ang binata sa kanya.




Umalis ang binata sa paanan ng pinto kaya sumunod na siya rito. Bago pa man makaupo ang dalaga ay hinarap muna niya ang binata at humalukipkip. Seryoso namang nakapamulsa at nakatingin sa kanya si Edward.



"I just realized", panimula ng dalaga habang nakataas ang kilay sa harap ng binata.



"What?"



"Na I did bad last night"



"And?"



"Don't I have a kiss from you?"




"And why?"



"Alam mo na, I did something badly last night, you know what I mean", sabi ni Dale at pilyang ngumiti.




Naiiling na hindi makapaniwala si Edward sa sinasabi ng dalaga at umupo sa harap ng mesa, "You badly need something to eat. Now seat"




"I won't not until you gave me a kiss", sabi ng dalaga, "Di ba you told me na hahalikan mo 'ko kapag may nagawa akong masama, so I badly need that reward by now"




"And I also remember that I didn't say something that time. So let's eat now"



"Edi kung ayaw mo, ako na lang!", sabi ni Dale at lumapit sa binata tsaka mabilis na humalik sa labi nito, "Sarap! Nakakagana tuloy kumain! Let's eat na?!", at ngumiti sa binata.




She heard him chuckled before they started eating and that's the first time she feels so comfortable in her entire life.



*End of Flashback*

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon