- eighty-two -

983 64 5
                                    

Ilang araw ring namalagi si Dale sa hacienda ng kanyang lolo't lola. Pilit siya nitong pinapasaya sa kabila ng kalungkutang kanyang nararamdaman. Sinasama siya ng kanyang lolo sa paghaharvest ng mga mangga, minsan naman ay sinasamahan ang kanyang lola sa pamimitas at pag-aalaga ng mga bulaklak sa hardin. Simple lang naman ang buhay na kanyang naranasan dito. She learned to appreciate things around her. Minsan ay nakakausap niya ang mga nagtatrabaho sa hacienda and she realized that there are more people who have bigger problems than her. 

Wala siyang sinabihan na nandito siya sa Davao kasama ang kanyang lolo't lola. Kahit mga pinsan niya at kapatid, maging ang mommy niya ay hindi niya sinabihan. She also turned off her gadgets at iniiwasan niyang gumamit ng laptop sa bahay.

Pilit man niyang kalimutan ay binata ngunit kinakailangan din nitong malaman kung paano nangyari ito sa kanila. After all, she loves him and that's the important thing she knew. Tama ang lola niya, kailangan nilang mag-usap. Hinahanda lang niya ang kanyang sarili upang pakinggan ang lahat ng sasabihin sa kanya ni Edward. 

Kahit panay ang tawa niya tuwing umaga ay hindi naman niya maiwasang malungkot tuwing gabi lalo na kapag naaalala niya si Edward. Hindi rin naman niya maiwasang mag-alala rito. She admitted na may mali siyang nagawa. She run away to the problem na dapat harapin niya ngunit pilit niyang tinalikuran. She realized everything. 

Nasa veranda si Dale sa may hardin kasama ang kanyang lolo. Masaya silang nagkukwentuhan.

"I remember the time when you were still a child. Nadapa ka malapit sa pool. Umiiyak ka kaya pinuntahan kita pero nagulat na lamang ako't bigla kang bumangon saka tatawang-tawa tumakbo. Gusto mo lang pala magpahabol", sabi nito sa kanya.

Natawa naman si Dale sa sinabi nito, "I can't remember it clearly grandpa. Siguro I was still very young that time"

"Yes, you were still four at that time", sabi nito sa kanya.

Ngumiti na lamang si Dale sa mga alaalang minsan niyang naranasan nung kabataan pa niya. Ang tagal na rin palang panahon ang lumipas mula nung umalis siya rito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga.

"Apo, you need to go back to Manila", sabi nito sa kanya.

Agad siyang napatingin sa kanyang lolo ng may pagtataka. Bigla rin siyang kinabahan. May nangyari kaya roon? Bakit pinababalik na siya nito?

"Grandpa, did I do something wrong? Pinapaalis mo na ba ako rito?", tanong niya rito.

Napatingin naman sa kanya ang matanda saka ngumiti at hinaplos ang kanyang buhok, "Hindi naman sa ganon apo. Kaya lang, wala na dito ang buhay mo", he said, "Tuwing nakikita kitang masaya, may lungkot pa rin sa 'yong mga mata. Alam kong mabigat pa ang iyong nararamdaman ngunit kailangan mo ring maghanap ng solusyon upang maging magaan ito", napahilig siya sa balikat ng matanda.

"But I need to find myself grandpa", sabi niya rito.

"You don't need to find it, apo because you really already found it. Ayaw mo lang kunin", sabi nito.

Napaisip si Dale sa sinabi ng lolo. May himig itong ipahiwatig ngunit hindi nya masyadong naintindihan.

Napatingin siya dito na nagtataka, "What do you mean, grandpa?"

Ngumiti naman ito saka umiling, "Just follow your heart apo. Ayaw ko lang na darating ang araw na hindi na pagmamahal ang nararamdaman mo kundi puro pagsisisi na lamang. Alam mong mahal kita pero mas masaya akong makita kang kasama ang taong lubos na nagpapasaya sa'yo"

At yun ang tumatak kay Dale nang paalis na siya sa hacienda ng lolo't lola niya. Siguro nga ay tama ang mga ito. Hindi kailangang manakit kapag nasaktan ka. At kung sakali mang may nagbago, tatanggapin niya dahil iyon ang nakatadhana para sa kanila.

🎶 It's not supposed to feel this way
I need you, I need you
More and more each day
It's not supposed to hurt this way
I need you, I need you, I need you
Tell me, are you and me still together?
Tell me, you think we could last forever?
Tell me, why  🎶

Mapait na ngumiti si Dale dahil sa narinig na kanta mula sa stereo ng sasakyan. Kinakabahan siya. 


Parang nakalutang siyang naglalakad papasok ng building. Hindi niya maipagkakailang parang may nagkakarerahan sa loob ng kanyang puso sa sobrang bilis ng tibok nito. Napapikit pa siya ng mariin nang tumunog ang floor kung saan ang unit ng binata. Dahan dahan siyang naglalakad papunta roon saka lang niya napansin ang isang lalakeng nakaupo sa sahig habang nakatukod ang mga braso nitong nasa tuhod at nakasubsob ang mukha nito doon. 


Parang may humaplos naman sa kanyang puso sa nakita niya. Bigla na lamang may tumulong luha sa kanyang pisngi ngunit isinantabi nya ito. 



"E-Edward", mahinahong sabi niya rito.

Nakita niyang dahan dahang iniangat ni Edward ang ulo nito saka tiningnan siya. Nanatili sya sa kanyang kinatatayuan. Bakas pa ang gulat sa mukha nito at dali daling tumayo saka patakbong lumapit sa kanya. Nagulat naman si Dale sa ginawa ni Edward lalo pa't niyakap siya nito agad.

"I'm sorry, Dale. I'm sorry", paulit-ulit na sabi nito habang hinihigpitan nito ang yakap sa kanya.

Halos hindi na makahinga si Dale sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman. Naroon ang awa, takot, galit at pagmamahal. Nanatiling nakatayo si Dale at seryosong nakatingin sa harap nang hindi man lang ginantihan ng yakap si Edward ngunit tuloy tuloy ang agos ng kanyang mga luha. Naramdaman yata ng binata na hindi siya gumanti kaya kumawala ito sa yakap at napayukong nakaharap sa kanya. 

Matamang tiningnan ni Dale si Edward. Nakita niya ang nanggigilid na luha nito ngunit seryoso lamang niya itong tinitingnan kahit pa ay sunud-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha. Malakas ang tibok ng kanyang puso. 

Ngunit ang sumunod na nangyari ay hindi niya inasahan. Habang nakayuko ay dahan dahang lumuhod si Edward sa kanyang harapan. Nanlaki ang kanyang mga mata. Naestatwa siya sa nakita. Who would have thought that the Edward he knew to be successful bachelor, tinitingala ng lahat ay nasa harapan niya ngayon, nakaluhod at nagmamakaawang humingi ng tawad. Isinubsob pa nito mukha sa kanyang tiyan habang patuloy na humihingi ng tawad.

"I'm sorry, Dale. I'm so sorry. Please forgive me. I'd do what it takes for you to forgive me, even if it takes forever, I'll do that", sabi nito, "Please let's talk about us. I don't want us to fall apart. I love you so much, Dale. Please hear me"

Napatakip si Dale sa kanyang bibig at tahimik na humihikbi. Gusto niyang magalit kay Edward ngunit hindi niya magawa dahil nangingibabaw pa rin ang pagmamahal para sa binata. 

Lumuhod ang dalaga sa harap ni Edward, she cupped his face, "We'll talk. Tell me everything"



Tumango naman ang binata, "Thank you, Dale. I'll tell you everything. I'm so sorry. I love you so much", sabi nito saka hinila siya upang mayakap ng binata. Hindi na mapigilan ni Dale na mapaiyak sa mga narinig mula sa binata. Kitang kita rin sa mga mata ang sinseridad sa mga sinasabi nito.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon