- sixty-two -

775 59 2
                                    

Pagdating sa Aklan ay dumiretso agad sila sa rest house nina Edward malapit lang rin sa resort na itatayo ng Daddy nya.


"Do you want to come with me later?", tanong ng binata sa kanya.



"Yes please. I also want to see it. And baka nandun rin si Vince, right hand ni Daddy yun kaya di malabo", sabi ni Dale kay Edward. He chuckled.



Inihatid sya nito sa isang kwarto sa taas upang makapagpahinga. Kahit naman may nangyari sa kanila ay hindi sila natutulog sa iisang kwarto.



Kinahapunan, gaya ng napag-usapan, ay pumunta sina Dale at Edward sa site kung saan itinayo ang resort. May mga natapos na rin naman ngunit kulang pa rin dahil marami pa ang ginagawa ng mga tao. Sinalubong rin naman sila ni Vince ngunit napaismid sya ng makitang kasama nito si Valerie.



"Hi Dale", sabi nito saka niyakap sya at hinalikan sa noo, "I missed you", bulong nito.



"I missed you, too", sabi nya rito at tinapik ang likod ni Vince.



Binati rin ni Vince si Edward. Gayun din si Valerie subalit nakataas ang kilay nito nang batiin sya nito. Hindi rin tuloy nya mapigilang mapaismid.



"Hi Dale, it was nice meeting you again", sabi ni Valerie saka inilahad ang kamay. Napatingin tuloy sya rito.



She smiled sweetly na animo'y inaasar ang dalagang nasa harap niya, "It's my pleasure", sabi nya, "And by the way, I'm Mrs. Barbur", kita nyang nagulat ang dalaga ngunit agad naman nya itong binawi, "Just kidding. Shall we go now? Vince?"



Tumango naman si Vince at umiiling sa tinuran nya. Nauna itong lumakad kasama si Valerie kaya nahuli sila ni Edward.



Inilagay ni Edward ang kanyang kamay sa bewang ng dalaga. Napangiti na lamang sya rito.


"Silly girl", sabi ng binata sa dalaga.


Bumaling naman si Dale kay Edward at ngumiti, "I'm just telling her what's mine", sabi niya rito saka kumindat. Natawa na lang ang binata sa tinuran ng dalaga.



"I can't believe you. You're possessive huh"



"No. Just that ..", sabi nya rito. Tumigil sa paglalakad ang dalaga gayun din ang binata, humarap sya rito at inilapit ang mukha nya kay Edward, ".. I'm just marking my territory", she whispered ang gave him a peck on his lips.



Pagkatapos nun ang naunang naglakad si Dale kaya hinabol ito ni Edward saka hinawakan ang kamay.



"I'm all yours baby", he whispered, "All yours. Body, mind, soul. All baby", sabi nito. Nanindig naman ang balahibo ni Dale kaya nahampas nito ang braso ng binata. Natawa na lamang ito.



"Stop it will you?"



"Stop what? I'm just telling you your territories baby"



Napailing na lamang si Dale sa sinabi ng binata. Syempre, kinikilig rin siya sa mga sinasabi nito.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon