- sixty-nine -

767 53 2
                                    

"Let's cheers!"


"Cheers!"


Nakapalibot sila sa bonfire. Syempre katabi nya si Edward sa iisang upuan na nakahapit sa kanyang bewang. Nasa kanyang tabi naman ang kapatid ni Vince kasama ang kanyang pinsan. Nakaharap naman sa kanyang ang nakataas na kilay ni Valerie kaya di nya maiwasang mapataas ang kilay.



"Kinandong mo na lang sana 'yang si Dalene, engineer. I'm sure she wouldn't mind. Baka nga masaya pa sya eh", sabi ng pinsan nyang si Michelle na nagpatawa sa lahat.



Napairap tuloy sya rito, "Shut up Mitch!", ngunit sa huli ay natawa lang naman sya rito.



Medyo nakakarami na sila dahil kanina pa sila nandito. Tahimik na rin ang nobyo na nasa kanyang tabi at nakahilig sa kanyang balikat. Hindi naman sya masyadong tinamaan since lady's drink lang ang kanyang iniinom at sa tuwing pinapasahan sya ng hard liquor ay si Edward ang kumukuha. Napangiti tuloy sya.



"Aren't you tired? You're already drunk", bulong ni Dale kay Edward.


Humarap naman sa kanya si Edward na may mapupungay na mata saka ngumiti, "I'm not drunk, I'm just tipsy. And besides, nakakahiya naman kung magpapahinga na ako. I'm the one who invited them here"



Hinawakan naman ni Dale ang pisngi ni Edward. She trailed off her sight in Edward's face. Mula sa noo nito, ang mahahabang pilik mata, ang mapupungay na mata, ang matangos na ilong and that luscious lips ang sarap halikan. Nagulat tuloy sya when Edward gave her a peck on the lips. Namula pa sya dahil dito. Ngumiti lang naman si Edward.




Habang kaharap si Edward, wala na yata syang mahihiling pa. Andami na nyang pasakit sa buhay and that she prayed that he is hers for a lifetime.



"I love you", he muttered.



"I love you, too", she replied.



Niyakap naman sya ni Edward saka hinalikan sa noo. Napapikit tuloy sya dahil dito.



"I will just go inside. I need to pee", paalam ni Dale kay Edward.



Tumango naman sa kanya ang binata, "Okay. Balik ka agad"



Tumango na rin si Dale saka tumayo at pumasok sa bahay.



Pagkatapos mag CR ng dalaga ay tiningnan muna niya ang sarili nya sa salamin after maghugas ng kamay. Hindi niya maiwasang mapangiti. She may be dreaming. Ang Dale na kaharap niya ngayon ay hindi na tulad ng dati. Happiness is now evident on her face. Hindi sya makapaniwalang kaya na niyang ngumiti ng hindi peke. Hindi niya akalaing naging kontento na sya sa buhay niya ngayong kasama na niya si Edward.



Paglabas niya sa comfort room ay natigilan sya. Kaharap lang naman nya si Valerie na nakataas ang kilay. Alam nyang nakainom na ito. Akmang aalis na sya ngunit hinawakan nito ang kanyang braso.



"Not so fast Dalene Enriquez", sabi nito sa kanya.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon