- eighty-three -

1K 61 1
                                    

Nasa sala sina Dale at Edward upang mag-usap. Nakaupo ang dalaga sa mahabang sofa habang nasa single couch naman ang binata na nasa tabi lamang nito. Tahimik silang nakaupo rito habang hawak hawak ni Edward ang pinagsiklop na kamay ni Dale gamit ang dalawang kamay at nakatitig lamang sa dalagang ngayon ay nakayuko at tila hindi mapalagay dahil sa kabang kanyang nararamdaman.

Binasag ni Edward ang katahimikan, "I'm sorry", mahinahong sabi ng binata saka hinalikan ang kamay ni Dale. Napatingin naman sa kanya ang dalaga, "What do you want know? You'll ask? Or I'll tell you?"

Bahagya namang tumango ang dalaga saka nagsalita, "Talk"

He nodded and sighed, "First, I just want to tell you I'm sorry for not telling you about it. I didn't intend to hide it from you", he said. Tumango lang naman si Dale na 'tila naiintindihan ang mga sinasabi ni Edward.

"I understand", tipid na sabi ni Dale at yumuko ulit.

Bumuntong hininga ulit si Edward, "Hope was my first love", sabi nito kaya napatingin si Dale kay Edward na ngayon ang nakayuko at hinahaplos ang mga kamay ng dalaga gamit ang hinlalaki nito, "She was my childhood friend, my playmate, and my bestfriend. She was always there for me when I needed her. And yes, I liked her", sabi ni Edward at tumingin sa kanya kaya napaiwas sya ng tingi dito, "But I have no intention to court her because it might ruin our friendship"

Tila may tumurok sa puso ni Dale. Hindi niya maiwasang masaktan. Kahit pa sabihing nakaraan na si Hope ay hindi niya pa rin mababago ang totoong mas may pinagsamahan pa ang dalawa kesa sa kanila ni Edward. 

Mapait na ngumiti si Dale kay Edward, "Do you still communicate?"

"Yeah. But it's purely business", he said kaya tumango si Dale.

"M-Minahal mo ba siya?", mahinahong tanong ng dalaga. Kita naman niyang natigilan si Edward kaya pinagpatuloy niya ang pagtatanong, "M-Mahal mo pa baya siya?", tanong niya ulit. Natatakot man ay pilit nilalabanan ito ni Dale dahil gusto niyang malaman ang totoo at gusto niyang magkaroon ng sagot lahat ng nasa isip niya, "Kaya mo ba ako niligawan dahil nakikita mo si Hope sa akin? Na kaya ayaw mong uminom ako o magsusuot ng mga maiiksing damit dahil gusto mong maging simple akong babae just like her? Kaya pa ba napansin mo ako nung una nating pagkikita dahil narining mo ang pangalang Hope na galing sa akin, na akala mo ako?", sunud-sunod na tanong ni Dale kay Edward at nag-uunahang tumulo ang mga luha niya, "Tell me Edward, napipilitan ka lang ba sa relasyon natin because my dad told you to accompany me?"

Humigpit ang hawak ni Edward sa kamay ni Dale. Patuloy naman sa paghikbi ang dalaga.

Hindi pinakawalan ng tingin ng binata ang dalaga. Nasasaktan sya sa nakikitang umiiyak si Dale sa kanyang harapan. 

Huminga ng malalim si Edward saka nagsalita, "I do loved her", sabi nito, napapikit naman ng mariin si Dale, "But I don't love her just the way I love you baby", mahinahong sabi nito saka hinalikan ang kamay ni Dale. Tinitigan ni Edward ang dalaga na nakayuko at patuloy sa pag-iyak, "Minahal ko siya noon, yes, but that doesn't mean I don't love you either. Iba yung nakaraan sa kasalukuyan, Dale. Mahal ko siya bilang isang kaibigan. At mahal na mahal kita and I can see my future with you. That's your difference baby"

Humihikbi pa rin ang dalaga ngunit ang malakas ang tibok ng kanyang puso na animo'y may nagkakarerahan na sa loob nito. Ngunit hindi pa rin nasasagot ang lahat ng kanyang tanong.

"The night before I saw you at the bar, it was Hope's wedding. Nasaktan din ako because my best friend will marry the man she truly loves. Noon, umaasa ako na sana ako lang 'yung nasa tabi niya palagi but I always value our friendship. And the moment that you came into my life, it really change. You really change everything in me. Hindi ko man matumbok kung saan, but I felt it na may nagbago sa akin", sabi nito habang hinahaplos ang mga kamay ni Dale, "When we met, you really caught my attention, not because you have Hope's name, but because you're different. I don't like you dressing sexy clothes because I want them to respect you. I don't want you to get drunk because I don't want someone who will took advantage of you. Lastly, your Dad told me na lapitan kita. Pero Dale, yun lang yun. He didn't tell me to court you, he didn't tell me to love you. The moment I saw you happy when you're with me, nararamdaman kong nagugustuhan na kita and as the day goes by, I'm falling deeper in love with you", sabi nito. 

Lumipat si Edward sa tabi ni Dale na patuloy pa rin sa pag-iyak. He pulled her closer and embraced her. Napapikit siya ng mariin. Ngayon, panatag na siyang nasa bisig na niya ang dalaga. And he'll do everything to make her stay.

"I'm sorry I left", sabi ni Dale na humihikbi pa rin.

Humigpit naman ang yakap ni Edward sa kanya, "I'm sorry I let you", sabi nito.

"I love you so much Dale. I love you very much", mahinahong sabi ni Edward sa dalaga at hinaplos ang buhok sa humikbing si Dale. Dinampian niya ng halik ang buhok nito.

"I'm sorry Edward. I'm so sorry", paulit ulit na sabi nito.

Hinigpitan ni Edward ang pagyakap dito, "Shhh.. don't be sorry baby. It's not your fault. Kung sana sinabi ko lang lahat sa'yo, yo will not leave me. Now that you're here, I will do everything to make you stay. I will show you everyday how much I love you and I will give you everything", sabi nito. He cupped her face to make her face him, "I miss you.. so much"

"I miss you too.. so damn much", sagot naman ni Dale sa kanya. Napangiti naman dito si Edward and pulled her again to hug her. 

Natigil na sa pag-iyak si Dale dahil nakatulog na ito habang nakahilig sa balikat ni Edward. Kinarga niya ito patungo sa kwarto nilang dalawa, tuck in her in bed saka tumabi sa pagkakahiga rito.

He stared at her. Now that Dale is back in her arms, he felt like home again. Napanatag at nakontento na siya ngayong nandito na ang pinakamamahal niya. Although he doesn't know everything happened to her when she left him, pinili na lamang niyang intindihin ito. Atleast nasabi na niya lahat ng gusto nitong malaman. Sapat na 'yun maliwanagan ito.

Hinawi nito ang buhok ng dalaga na nasa mukha nito. Tinitigan niya ng maigi ang maamo nitong mukha. Hindi man niya alam kung saan ito nagpunta, the most important thing is she's now back with him.

'I'll do everything just to make you happy, baby. I'll fight for you no matter what happen. Kahit natatakot ako na baka sa sobrang mapasaya kita, hindi ka na masaya at iiwan mo na ako. I'm sorry for leaving so many questions about me and myself. I'll give you the love you deserve and the world that you want. I love you so much', nasa isip ni Edward habang nakatitig kay Dale.

Nakaramdam na rin siya ng antok. Masaya syang matutulog sa gabing ito dahil katabi na niya ang minamahal. He pulled Dale closer saka ipinauna ang kanyang bisig habang nakayakap sa dalaga. Hinalikan niya ang noo nito, pababa sa ilong and gave her a peck on the lips. Ngumiti si Edward, "I love you baby", mahinahong sabi nito saka pumikit at nagpahila sa antok.

Drown In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon