***ILIA'S POV***
Araw ng Quizbee.
Nagtipon tipon ang mga 100 na representatives ng kaniya kaniyang school.Binigyan kami ng kit. May Calculator, papel at ballpen don at yon ang gagamitin namin sa QB kaya di nako nag abala na magdala ng iba pang gamit maliban sa kit.
Naglalakad na ko sa hallway nang may bumunggo saking taga ibang school.
Humagis sa malayo ang kit ko at kanya."Ouch." Napahawak ako sa pwetan ko.
"Tatangatanga naman" Sabi ng bitch na bumunggo sakin.
Kinuha nya ang isang kit at saka umalis.
Bwisit.
Kinuha ko na yung isang kit saka pumunta sa venue.
Mga 500 ang mga tao. Andon lahat ng taga ibang schools at mga supporter nila.
Nilibot ko ang tigin ko at nakita ang mga prof namin pati si Atty. Santidad. Tinambol ang puso ko ng wala sa oras.
"Magsisimula ang quizbee sa loob ng dalawang minuto."
"Inilabas ko ang laman ng kit at nakitang sira ang calculator non. Walang balpen at papel sa loob.
Chineck ko yung kit bago ko umalis sa hotel room ko. Kumpleto naman to a??"Tumabi sakin yung bitch na nakabungo sakin kanina at ngumingisi pa. "Fatima Beverly" ang nakalagay sa tag niya.
Ngumunguya pa sya ng bubblegum at di ko maiwasang mapansin ang lagpas nyang pulang lipstick. May mga acne marks sya. GGSS.
Ngumisi sya. Alam ko na agad na may kinalaman sya rito.
Sus. Pangalang santo, ugaling kabayo.
I raised my hand and talked to the operators. Nagpapanic sila kasi nakatimer ang QB at strictly magsisimula iyon kahit wala silang maiprovide na bagong kit para sakin.
Lumapit si Atty. Santidad at Sir Luke sakin. Ikinagulat ko iyon.
Sir Luke: May problema ba?
Ako: Sir yung kit ko e. Sir Luke: Hindi mo ba...
Ako: Chineck ko sir kaso may nakabunggo ako kanina nagkapalit siguro kami ng kit.
Proctor: Ito miss o. May papel at caclu na. Magsisimula na in 30seconds.
Ako: Teka wala pa po kong ballpen.
Atty.: Here. Use mine. Kinuha nya ang parker pen sa nakasabit sa coat niya at inabot iyon sakin.
Kumabog na naman ang dibdib ko
Ako: T-thank you Sir.
Atty: Goodluck.
Bumaba na sila.
Tumingin ako sa bitch na katabi ko.
Bitch: Sasali sali wala palang dalang kahit na ano.
Psh! Sabunutan ko kaya to?
The QB ended and I won first place. Naghiyawan ang mga taga school namin pagkaannounce na pagka announce pa lang na tama ang sagot ko sa tie breaker.
The bitch beside me was eliminated at first round. Taas noong dumaan ako sa gilid niya at saka sinabing: "Iniwan ko lahat maliban sa isang bagay. Yung hindi mo dinala para sa sarili mo: UTAK."
Ngumisi ako sabay layas.
Mabait sana ko kaso pinili mo kong kalabanin.Last day na namin sa beach na to at mamaya na ang alis namin.
Pero dahil nanalo kami nilibre kami ni Atty. Santidad ng buffet.

YOU ARE READING
Destined to Love the Billionaire
FantasyChris doesn't believe in getting "starstruck" but the beautiful Ilia Montero had him swooned at mere sight. Is it a shallow physical attraction? Or is it deeper than what meets the eye? Suddenly, Ilia and Chris found themselves being played by desti...