CHAPTER 29

387 14 2
                                    


***ILIA'S POV***

Days have passed, all I did was lock myself in my room and cry my eyes out.

I am hugging my knees and crying again so hard right now. Ayoko nang umiyak. Heaven knows I want these tears to dry up, but I can't stop it.

My mom has been asking why have I been crying, pero hindi ko kayang ipaliwanag sa kaniya.

Hindi ko kayang idetalye na kabit ako. Kabit ang anak niya!

My phone has a hundred missed calls, from Mayan, from Mom and from him.

A text message popped up in the screen.

"Ilia...Si Chris nasa labas siya..." My mom texted.

Everyday he was outside our gate. I told them not to let him in. At ako naman nasa loob lang ng kwarto ko.

Nirespeto ni Mama at Mayan ang gusto ko.

WEEKS passed by and the Board Exam came.

Ni wala akong nattendan na extensive review. In three weeks all I did was hermit and cry and cry.

Hindi ko alam kung paano ako nakapagsagot sa exam.

And right after that nag-host ng farewell party ang school pero hindi na rin ako nag-abala pa'ng magsayang ng oras para don. 'Cause he might be there.

At hindi ko kaya'ng makita siya pero kailangan kong pumunta sa school ngayon para sa pag pirma ng attendance.

I was standing a few meters outside the gate habang nag iipon ng lakas ng loob.

Paano kung andon siya? Nagsimulang mangilid ang luha ko.

"Ilia!" I looked around and saw an about 17-year-old high school boy.

"Sino ka?"

His eyes had a glimpse of purple light atsaka iyon nag fade.

The deity.

"Cyrus" He smiled.

"Tao ka na?"

"Hindi. Hindi. Para lang malapitan kita. Ito o." Inaabot nya sakin ang isang gintong kwintas na may singsing maliit feather pendant.

"Suotin mo yan bilang proteksyon sa mga tao na gusto kang kunin."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"The Universe has many dimensions. At parang magnet at bakal ang tao at ang tadhana.

Kapag may nagsimulang magdasal ng masama sayo, maari yong maka apekto sa dapat na patutunguhan mo. Maari kang malihis. Maari iyong magbago. Minsan pansamantala ang epekto, minsan permanente."

"Ano bang pinagsasasabi mo."

"Sa ayaw at sa gusto mong maniwala, may gustong kumuha sayo. Some one is casting a spell on you to be his, Ilia and for your anger with Chris to multiply a thousand folds. At hindi ka para sa kaniya. Sisiguraduhin ko na mapaparusahan sya."

"S-sino?"

"May naalala ka ba na humaplos ng buhok mo?"

"Sir Brian?!?"

"Maliban pa don."

"Wala na..."

"Some people will wish ill of you for nothing.

Some people will wish you are theirs because they are selfish.

Gagawa sila ng paraan kahit labag sa sarili mong kagustuhan."

Destined to Love the BillionaireWhere stories live. Discover now