***ILIA'S POV***
It was already 9pm when I went to the restroom, mananalamin lang.
Konti na lang kaming tao ngayon dito, gabi na kasi.Sinabi ko na rin kay Chris na umuna na dahil napagod sya sa meeting nila maghapon.
Naupo ako sa platform sa harap ng salamin.
I opened my phone and saw a "A Love Reading: pick a card" on my youtube newsfeed.
May apat na baraha na nakataob ron. Pipili ka ng isa at irereveal sa video yung meaning ng card regarding sa lovelife mo.
Naalala ko na naman yung nanghula sakin na may purple na mata. Napapanaginipan ko lagi yon.
Dahil pagod na ko, plinay ko na rin yung video ni VixenVVitch.
Sa intro ng video sabi niya nagkacast sya ng spells para makarating yung video nya sa dapat makarating.
So kung totoo ang spells, this video is for me?
Synchronized daw ang Universe kaya walang coincidence sa mundo. Lahat daw nangyayari ng may rason.
Ayun, pinili ko ang 3.
I jumped to it.
"For those who chose Card#3, I can see that you are with a very busy man. This man is involved in counseling, he is probably a psychologist, a politician, teacher or.... maybe a lawyer. I know he is powerful." Sabi sa video.
Parang may malamig na hangin ang dumaan kahit na sarado naman na ang bintana rito sa cr.
Kinilabutan ako, kung sa preciseness ng video man o sa hangin, di ko alam.
"This guy...I see you are dealing with a very very rich guy. A man who owns business. But I am so certain that this man is married."
MARRIED?
"This guy is trying to balance you and his wife. This card is a card of a liar, a player, a man who makes a fool of you. Even if he says he loves you, he goes back to his wife and say the same thing."
I shut the video down.
Ano ba yan!?
Plinay ko pa naman yon para maglibang. Makapag merienda na nga lang...
I wsnt downstairs at dumertso sa guard.
"Oh kuya. Ikaw pa rin?"
"Oo napa straight ako. Wala yung karelyebo ko e."
"Namimiss mo na si Atty. Santidad no?"
"Ha?" Nagulat ako sa pag ungkat nya kay Chris. "Anong sinasabi mo?"
"Sus alam ko naman gusto mo sya. Matagal na kitang naoobserbahan." Parang may malamig na hangin na naman ang humapas sakin gaya nung sa banyo.
"Inoobsebahan mo ko dati pa? Bakit?" Who gave you the right? I thought. Ayoko sa mga lalaking nagmamatyag sakin gaya ng ginawa ni San Jose na manyak.
"Wala e. Sa napapansin kita e. Mahilig talaga ang mga babae sa mayayaman. Bilyonaryo yon." Sabi niya.
"Taga Harvard tas mabait. Pero pag nagkatrabaho ka naman na makakahanap ka ng mayaman din."
"Di ko naman sya gusto dahil mayaman sya." Lumiwanag ang mukha nya sa sinabi ko.
"Edi ibig sabihin kahit hindi mayaman okay lang sayo?"
"Oo naman." Napakunot ulo ko. Hindi ka naman yayapusin ng pera.
"E pano pag mahirap pero masipag naman kaso di nakatapos ng pag aaral?"

YOU ARE READING
Destined to Love the Billionaire
FantasyChris doesn't believe in getting "starstruck" but the beautiful Ilia Montero had him swooned at mere sight. Is it a shallow physical attraction? Or is it deeper than what meets the eye? Suddenly, Ilia and Chris found themselves being played by desti...