Chapter 46

377 9 1
                                    

ILIA'S POV

Nag iiwasan lang kami ni Chris sa mga lumipas na araw. Malamig siya sakin at madalas naka angil.

I tried to be strong each day pero para lang akong sinasaksak sa tuwing tinitignan niya ko. Kitang kita ang galit sa mga mata niya.

I couldn't justify why I left him.

Walang sapat na dahilan...

I have hurt him. And he is still bleeding up to now.

Magiging busy ako sa pagpu put up ng bago kong branch na jewelry store sa mall kaya madalas na hindi ko na rin nababantayan si Eisen.

I am thinking of getting a governess pero ngayong andito na si Chris, may kasalitan ako kay Eisen. He sometimes brings him in the office at hinahatid na lang rito.

Our son is smart and he always questions why Chris has to leave.

Dahil nga sa expansion ng business ko, kailangan ko'ng mag stay rito sa office para matapos to within the week.

I dialed Chris' number to tell him kung pwede bang kaniya muna si Eisen until dinner.

"Hello. Atty. Santidad, Can you keep Eisen until dinner? May minamadali kasi ako ngayon tas wala pa syang governess."

"May family dinner kami. I will just bring him with me." Aniya. Kumabog ang dibdib ko. I am scared na maexpose si Eisen sa mga Santidad.

"Iuwi mo siya sakin after dinner please." Sagot ko. Alam kong aangal siya pero...

"Mommy?" Naging boses iyon ni Eisen.

"Baby. Malelate ng uwi si Mommy... Kay Daddy ka muna okay?"

"Okay. We had so much fun here Mommy. Imissed you." Ngumiti ang puso ko.

"I miss you so much too, Baby. Promise babawi si Mommy. I need to finish this para matuloy yung gala natin sa weekends e. I will read you maaany bed time dinosaur stories nalang tonight. Okay?"

"Don't worry Mommy!!! Please do your best!!! I'll tell Daddy to come with us too. Yehey!!!"

He sounded so happy. Hindi na ko nakatanggi.

Our plan was to go to the Orchard and stay in the casa habang wala si Mama.

Bringing Chris there over the weekend might just spark another argument.

"Elda."

"Yes Ma'am?"

"Thank you. Umuwi ka na ako na bahala diyan inaantay ka na ng anak at asawa mo."

"Ma'am, ako na po. Kaya ko po to." She smiled. "Pwede naman tayo'ng mag break muna Ma'am e."

"Pasensya ka na ah. Nalelate ka ng uwi dahil sa expansion. Magpapadeliver ako ng dinner natin saka ng pwede mong ipasalubong sa mag-ama mo." Ani ko.

I wish I could do the same for Chris and Eisen.

"Sa anak mo rin Ma'am..."

"Ah magdidinner na sila ng Dad niya."

"Ha? Nagkikita pala sila. Ay sorry Ma'am. I didn't mean to be intrusive."

"Hindi. Ikaw naman." I smiled sadly. "His Dad...was my fiancé. But I broke the engagement and ran...without knowing I was pregnant." Saad ko.

Hindi ko maitatanggi minsan naiilang ako kapag tinitignan nila ko with disappointment and prejudice sa tuwing nalalaman nilang walang ama ang anak ko.

I am proud of Eisen at ang mga nakakadiring tingin nila sakin ay wala kumpara sa pagmamahal ko sa aking anak. Sino ba sila.

"Iyon pala ang nangyari. Ang akala ng lahat iniwan ka. Sabi nga nila bobo yung lalaki kasi swerte nya sayo Ma'am."

Destined to Love the BillionaireWhere stories live. Discover now