CHAPTER 21

433 14 0
                                    


***Ilia's POV***

Madali akong nagbaba ulit ng tingin sa sahig para iwasan ang mga titig ni Atty. Santidad.

Dinampot ko ang case ko pero umikot na naman ang paningin ko.

Gusto kong murahin ang sarili kong katawan dahil ayaw nitong makisama.

May narinig akong boses ng lalaki na nakasunod sakanya.

"May tatlong oras ka pa Boss para sa....hala....miss okay ka lang???"
Lumuhod sa harapan ko ang isang binatilyo na naka suit and tie pa.

Hinawakan niya ko sa noo. "Boss si Miss Ilia... Inaapoy ng lagnat!"

Napakunot ang noo ko. Bakit nya ko kilala?

"Bring her to the clinic, then. Mukha ba kong doktor?" Malamig na sabi ni Atty. Santidad. I looked up at him again. Binigyan niya na naman ako ng blankong tingin atsaka ako nilampasan. Hinabol pa sya ng tawag ng binatilyo pero ni hindi sya lumingon pabalik.

My heart crushed. Kahit ayokong makadama iyon ng sakit, sobra ko pa rin iyong nasasaktan.

I tried to shrug it off.

Who told you I need you? Psh.

***CYRUS' POV****

Skyler: Hanep ka e no. Nagkatawang tao ka bilang Ann tapos inaway mo lang si Ilia!?

Cyrus: E punyeta naman kasi nakakainis na silang dalawa!

Skyler: oh pano yan ngayon!? Wala na tayong baraha! Wag kang magpadala sa emosyon mo. Hiram lang yan. Kay Ilia at Chris yang nararamdaman mo.

Cyrus: Edi makikipagbati. Ano ba yan. Bakit kasi kailangan ko pang maramdaman ang emosyon nila. Para na kong sasabog.

Skyler: Kailangan mong bilisan para matapos na to.

Cyrus: Oo nga pala nakita ko yung Etheral Cord nila. Sobrang kapal hindi gaya ng sa iba at ang kinangkinang ng pagka pula.

Skyler: Pula!!??

Cyrus: Oo. Lahat ng nakita kong Cord ay puti na medyo maasul e.. Sakanila lang ang puti na maypagkapula, sobrang kinang at kapal ng cord. Siguro nga maraming salin buhay na sila naging mag asawa kaya ganon na ang kulay at kapal non

Skyler: Sigurado ka ba sa nakita mo!? Pula!??

Cyrus: O-oo...bakit???

Skyler: Cyrus! Hindi to maganda! May gustong pumutol ng cord!

----

***Christoph's POV***

"Boss, may shareholder's meeting ka mamaya pagkatapos ng meeting mo kay Atty. Valeza. May tatlong oras ka pa...." Ani ni Andy, ang secretary ko.

Paakyat ako ngayon sa 3rd flr at nakabuntot sya sakin.

Until I saw Ilia kneeling down on the floor. I wanted to rush towards her for she doesn't look well. Napalunok ako.

Andy immediately went to her aide.

Kailangan ko syang iwasan and I mustered every strength I could para gawin yon

Pasalamat na lang ako at nandon ang secretary ko.

Nilampasan ko lang siya.

With so much control I could take, oo, nilampasan ko lang sya.

Tinawag pa ko ni Andy ulit pero alam kong isang sulyap ko pa uli sa kalagayan ni Ilia ay baka tumakbo na ko pabalik sa kanya.

I went to Atty. Valeza's office na syang asa 3rd floor at habang nag uusap kami, god knows I couldn't pin my thoughts to him.
Tinext ko si Andy para tanungin kung kumusta si Ilia.

Destined to Love the BillionaireWhere stories live. Discover now