Chapter 2:

2.7K 130 11
                                    



NABUWISIT si Dante dahil sunog ang kanilang ginawang pagsalakay. Kompirmado na niyang may traydor sa kanilang ahensya. May intellegence report na rin siyang natanggap. Hindi na niya alam kung kanino pa magtitiwala. Isang sulat ang natanggap mula sa tanggapan ng DOJ at sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Batid na rin daw ng mga ito na may anomalya sa kanilang ahensya. Matagal na raw na inoobserbahan ng pangulo ang paglutas sa drug cartel sa bansa. Isang dekada na ang lumilipas ngunit walang pagbabago kaya inuutasan siya ng mga ito na bumuo ng isang grupo. Grupong siyang lulutas sa mga sindikato na naglalaganap sa Pilipinas lalo na ang NCR at karatig lalawigan nito.

Muling tinupi ang papel na galing sa kalihim ng DOJ. Direktang mensahe raw iyon galing sa pangulo. Maaaring kagaya ng isip niya alam na nitong may kinalaman ang hepe ng ahensya nila sa mga pagkabulilyaso ng operasyon nila. Ingat na ingat sila. Tanging ito ang kabilang sinasabihan sa tuwing may nakukuha silang lead sa mga impormante sila sa iba't ibang lugar.

Napaisip tuloy agad siya kung anong istratihiya ang gagawin niya para hindi malantad agad ang grupo sa publiko. Hanggang sa sumingit sa isipan ang babaeng nagbigay sa kaniya ng kandila. Doon ay nagkaroon siya ng ideya. Tama, mas maigi kung babae ang hahasain niyang gawing agent para hindi masyadong halata.

Kinabukasan ay agad siyang nagtungo sa simbahan. Muling nasilayan ang dalagitang nagtitinda ng kandila. Napangiti ito ng makilala siya. "Kayo po pala sir, mukhang magsisimba kayo ah.." pasarkastikong wika nito sabay ngisi.

"Ah oo..ipagdadasal ko ang aking asawa.." sagot niya.

"Ho! Bakit po? Nasaan na po ba ang asawa niyo?" Usisa pa. Tumingin sa kaniya ang lalaki. "Curious lang po.."

"Nasa langit na.." mahinang tugon.

"Ay ganoon po ba? Heto po kandila, kapag ganyan po ay puting kandila po dapat. Itong yellow ay para sa hiling at itong itim..alam mo na po.." aniya sabay ng malawak na ngiti.

Napailing na lamang si Dante. "Magkano ba iyan?"

"Sampung peso isa...pero mas mabuti pong isang kumpol 100...tama na po para sa isang buwang dasal para sa asawa niyo po.." hirit pa nito. Napapailing siya rito.

Binunot sa wallet ang isang daan at binigay rito. Habang sinusupot nito ang binili ay nagtanong pa ito. "Wala po ba kayong mga anak.."

"Meron dalawa pero hindi ko alam kung nasaan sila? Kasing edad mo panganay ko at ang bunso ko ay dise-siyete.." turan.

"Eh nasaan po sila?

"Hindi ko alam...isa pa nga iyan eh..hinahanap ko pa lang sila. Halos sampung taon ko na rin silang hinahanap.." turan.

"Naku, dapat pala bumili rin kayo nitong dilaw. Sindihan mo lang at humiling ka rito ay mahahanap mo na ang hinahanap mo.." pambobola nito sa kaniya.


Tumingin lang siya rito. Nabigla si Winona dahil mukhang hindi epekto ang ginagawang pambobola rito.

"Totoo po. Naku, sindihan mo at humiling ka. Matutupad mo. Guaranteed. Kapag hindi mo nahanap ang hinahanap mo within a month. Bumalik ka at irefund mo ang bayad mo.." super pang-eengganyo niya rito.

Tumingin ulit si Dante. "Okay, sure iyon ha. Pag hindi umubra babalikan kita!" Matiim na titig rito.

Medyo kinabahan si Winona sa tingin na iyon ng lalaki pero kailangan niyang kumita. "Oo sir. Dodoblehin ko pa.." panghahamon rito.


"Sinabi mo iyan. Okay isang kumpol din.." saka muling nilabas ang wallet niya at bumunot ng isang daan.

Matapos ay lumapit siya sa pinagtitirikan noon at sinindahan lahat. Napangiti pa si Winona ng makitang sinunod nga ng lalaki ang sinabi niya. "Susme, Diyos ko tulungan niyo ako.." impit na dasal. Baka kasi balikan siya nito.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon