"SILA NGA.." matiim na turan nito. Napatuwid ng tingin ni Dante sa kausap at hindi alam kung ano ang iisipin dito."Bakit mo ako gustong makausap?" Deretsahang tanong rito. Iyon lang naman ang gustong malaman. He is running out of time lalo pa at mukhang nagkakamabutihan na ang mga agent niya sa mga misyon ng mga ito. He needs somebody that has a direct connection to the syndicate at si Allan iyon.
"Nang gabing iyon. Ikaw ang una kong nakita may hawak na baril at naka-damit ng civilian. Habang si Alunan ay nakauniporme. Dahil bata ako ay akala ko lahat ng alagad ng batas ay mabait. Akala ko wala siyang kinalaman pero habang lumalaki at nagkakaisip at naging kasama sa sindikato nito. Alam ko na sa sarili kong may kinalaman ito sa pagkamatay ng magulang ko. Nang magkaroon ako ng sarili kong pera, lingis sa kaalaman ni Alunan ay nag-hire ako ng sarili kong detective para alamin kung sino ang pumatay sa magulang ko at.." anito sabay tingin sa kaniya.
Nakita niya ang pag-ahon ng galit sa mukha ng kaharap. Humigop ng kape nito at kumuyom ang mga palad. "Nalaman kong impormante mo ang magulang ko." Anito sabay diin ng salitang mo sa kaniya.
Napatikhim si Dante. Naaalala niya ang gabing iyon. Wala siyang nagawa dahil hindi niya natulungan ang mga ito. Nalaman ni Alunan na sila ang nagpapasa ng impormasyon sa daloy ng druga sa palengke at lugar. Kilala ang mga itong takatak. Nagtitinda ng kendi at yosi kaya madaling makasagap ng impormasyon.
He felt sorry para kay Allan. Kung alam lang niya na may anak ang mga ito ay hinanap sana niya. Hindi naman inakalang ang batang halos mabangga ng gabing iyon ay anak ng mga ito.
"Sorry.." hindi napigilang manulas sa bibig.
Ngumisi si Allan. "Hindi ba masyado nang matagal para sa sorry mo?" Anito.
"Alam ko—."
"Bakit hindi mo man lang sila tinulungan ng gabing iyon? Naroroon ka di ba?" Maya-maya ay usig nito.
Napamaang si Dante. "Huli na ng makita ko sila. Gusto ko man silang tulungan pero naroroon na si Alunan kasama ang ilang kabaro naming hawak niya sa leeg." Turan dito.
Ngumisi ulit ito. "Duwag ka pala.." anito.
Tumahimik si Dante. "Baguhan ako noon, ito na ang una kong hinawakan. May takot pa ako noon dahil may pamilya rin akong prinoprotektahan." Aniya na nagsisimulang mamula ang mga mata. "Kung alam na mawawala rin silang lahat baka nagawa ko pang lumaban noon ng patayan. Pero katulad ng mga magulang mo ay may dalawa akong anak, natakot ako kaya nang makita kong duguan ang mga magulang mo ay kinailangan ko na ring lisanin ang lugar." Saad kay Allan.
Matagal silang nagsukatan ng tingin. Hanggang sa magsalita muli si Allan.
"Paano kita matutulungan para matapos na ang kasamaan ni Alunan?" Matiim na tanong nito.
Naging interesado siya sa sinabi nito. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon. "Makikipagtulungan ka ba?" Paninigurado dito.
Tumingin ito ng deretso. Mata sa mata. "Isa lang ang hihilingin ko sa ahensiya niyo. Bigyan niyo ako ng immunity for all charges. Ako mismo ang gagawa para mahuli si Alunan." Seryosong wika nito.
Napaisip si Dante. Hindi siya makagawa ng desisyon dahil kailangan niyang ipaalam sa head of DOJ at Malacañang na may direktang utos na buwagin ang sindikato. Sila lamang ang makakapagsabi kung pwede itong tumanggap ng immunity. Afterall, biktima lamang ito ng kaniyang kabataan at pagkakataon.
"Ipapaalam ko muna sa nakatataas.." aniya ngunit nakita ang pag-ilap ng mata nito. "Huwag kang mag-alala dahil mismong presidente at ng DOJ ang namamahala sa operasyong ito. Hindi kailan man malalaman ni Alunan na nagkita tayo." Paliwanag rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/148875896-288-k711099.jpg)
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
ActionLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...