ILANG BESES NA tinawagan ni Winona ang kapatid ngunit palaging patay ang cellphone nito. Ang mga magulang ay dalawang araw na rin hindi niya makontak. Maging ang tiyahin niya ay nag-aalala na rin. Paulit-ulit ngunit wala pa rin kaya hindi na niya maiwasang kabahan lalo pa at alam niyang may mga armadong lalaking naghaharass sa magulang."Wala pa rin bang tawag mula kay Daisy?" Tanong ng tiyahin niya ng makitang aburido siya.
"Tiyang, natatakot ako. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila?" Naguguluhang turan dito.
"Ano ba naman ito. Hayaan mo at luluwas ako bukas.." aburido ring turan nito. "Ate Tasing talaga kung ano-anong pinapasok.." anito sisi sa kapatid na nanay naman niya.
"Hindi tiyang, ako ang luluwas.." giit niya.
"Pero anak, may pasok pa kayo ngayong week na ito.." anito.
"Tapos na ang finals namin tiyang kaya kahit hindi na ako pumasok. Huwag po kayong mag-alala. Kabisado ko na ang Maynila kaya kaya ko na ang sarili ko." Determinadong turan sa tiyahin.
Bumuntong hininga ito. "Hala siya. Pero palagi kang tatawag kung ano ang nangyayari sa'yo. Ate talaga.." anito na napakamot pa ng ulo. "Oh siya kumain ka na muna at makapagpahinga ka. Bukas ka na bumiyahe pa-Maynila." Dagdag pa nito.
Kipkip sa dibdib na baka may nangyaring hindi maganda sa kapatid at magulang. Handa na siyang bumalik sa lungsod. Nang maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya. Agad siyang nabuhayan ng makitang si Daisy iyon.
"Hello Daisy?" Agad na turan sa kapatid.
"Oh ate bakit mukhang naiiyak ka pa. Na-miss mo ba ako masyado.." biro pa ni Daisy sa kabilang linya.
"God, saan ka ba at halos dalawang linggo na kita tinatawagan. Sina nanay at tatay? Kumuta sila? Dalawang araw ko na silang hindi ma-kontak?" Gagad sa kapatid na noon ay natigilan na rin.
"Daisy! Daisy! Nandiyan ka pa ba...Daisy.." untag rito.
NABIGLA si Daisy buksan ang cellphone matapos ng training nila sa Zambales. Noon niya lang naalalang i-charge ito at doon ay nakita ang sunod-sunod na miss call ng kapatid at text nito kaya agad na tinawagan. Mukha ngang nag-alala ito ng tudo dahil halos maiyak sa timbre ng boses nito.
"Daisy! Nadidiyan ka pa ba? Nawawala sina nanay at tatay.." tuluyang iyak nito sa linya. Natigagal siya.
"Okay ate. Uuwi ako ngayon din at hahanapin sila.." aniya saka binaba na ang tawag nito.
"May problema ba?" Untag ni Haidee sa kaniya.
Umiling siya. "Uuwi muna ako. If hinanap ako ni bossing. Pakisabing umuwi lang ako.." aniya saka mabilis na umiskapo.
Nasa tapat na siya ng munting bahay nila ng makitang tahimik ang piligid maging ang mga kapit bahay na laging nakatambay sa makipot na pasilyo ay wala. Nasa may pintuhan pa lamang siya ay alam na niyang may hindi magandang nangyari. Kinabahan na siya at nakapa ang service firearms sa beywang niya. Pagtulak ng pinto ay tila binagyo ang loob ng bahay.
"Shit!" Gilalas niya. Batid na niyang may nangyaring masama sa magulang niya. Agad na sinuyod ang dalawang maliliit na silid ngunit walang indikasyon na naroroon ang magulang. Hanggang sa bumalik sa salas at naupo sa upuan nila sa mesang kainan nila kung saan siya ginahasa ng lalaking iyon.
Hanggang sa makita ang isang papel sa ibabaw ng mesa. Isang note.
Dala ko ang mga magulang mo. Kung gusto mong makita. Magkita tayo!
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
ActionLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...