MULING tumitig sa kaniya ang dalagita. Matiim iyon na tila inaalam kung nagbibiro ba siya o hindi. Ngunit bakas sa kaniyang hitsura ang kaseryosohan."Bakit may tabing ka ng panyo sa mukha mo?" Imbes na sumagot ay tanong nito.
Ngumiti siya saka tinanong din ito. "Nakakatakot ang hitsura ko. Gusto mo bang makita. Sumapi ka sa grupo. Huwag kang mag-alala dahil legal ito at hindi ka mapapahamak. May pera ka na, makakaganti ka pa!" Pang-aamo rito.
Muling napaisip ang dalagita saka tumitig sa kaniya na tila hindi pa rin naniniwala sa kaniya. Doon ay binunot niya ang kaniyang tyapa bilang isang alagad ng batas. Tumango-tango ito.
"Kailan ako magsisimula?" Tanong nito.
Napangiti siya. "Ganyan ang gusto ko sa'yo. Mukha kang anghel pero may tinatagong tigas sa loob. Kakailanganin mo iyan.." sabad rito.
"Basta siguraduhin mong hindi ako mapapahamak tanda!" Anito.
"Oo bata..hinding-hindi. Tawagin mo na lamang akong Black Dragon.." aniya rito.
Ngumiti ito sa kaniya.
"Oh my nakakatawa ba sa sinabi ko?" Maang na tanong nito.
"Wala...Black Dragon!" Anito sabay diin sa pangalan niya.
"Heto ang calling card ko. Naririyan din ang address ng hideout ko. Puntahan mo ako sa oras na gusto mo nang magsimulang mag-ensayo. The soonest the better.." paalam na turan dito.
Naka sampung hakbang na siya ng matinig ang tinig ng dalagita. "Masusunod Black Dragon.." anito na may diin pa rin sa kaniyang binigay na code name. Napangisi na lamang siya saka nagpatuloy sa pag-alis.
Mabilis na tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan niya saka dumaan sa restaurant na pinagtatrabahuan ng anak niya. Pagpasok niya roon ay nakita niya ang pamilyar na mukha. Tinitigan niya ito dahilan para tumingin din ito sa kaniya. Napansin yata nito na tinitignan siya nito.
Bahagya itong napasinghap ng makita niya. Bigla tuloy siyang nag-alangan na baka nakilala siya nito. Agad siyang nagyuko ng ulo ng lapitan siya ng isang waitress at kinuha ang order niya. Agad naman siyang nag-order saka nagmanman pa sa paligid.
Matapos ng bente minutos na paghihintay ay dumating rin ang order niya. Hindi siya tumingin sa babaeng nagdala noon sa kaniya ngunit napansin niyang ilang segundo na mula ng ilapag nito ang order niya ay hindi pa rin naalis. Doon ay nagtaas siya ng tingin rito.
Nabigla siya ng makita ang mukha ng anak ngunit agad na nakabawi. Pakiramdam tuloy niya ay nakilala siya nito.
"May kailangan pa po ba kayo, sir?" Tanong nito sabay ngiti.
"Ah..wala na salamat.." aniya. Nang magsimula itong humakbang ay muling inagaw ang pansin nito. "Ah wait miss.." tawag rito. Pilit binago ang boses niya.
"Yes po sir?" Turan nito. Napatitig lang siya rito. Napaisip kung ano nga ba ang sasabihin rito.
"Nahanap mo na ba ang kapatid mo?" Salitang nanulas sa bibig. Doon ay tila bumangis ang mukha nito, may panghihinala ang mukha.
"Bakit mo alam na nawawala ang kapatid ko?" Giit nito.
Napamura siya sa isipan. Hindi talaga niya napaghandaan iyon. Kumunot ang mukha nito. "Bakit may tabing kang panyo sa mukha. Sino ka ba talaga?" Sunod-sunod nang tanong nito.
'Shit!' Mura sa sarili. Bakit ba kasi siya pumunta roon na hindi pa handa.
Nang makitang parang napupuno na ng kyuryosidad sa tunay niyang katauhan ay agad na nilabas ang kaniyang tyapa.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
AksiyonLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...