Chapter 4:

2.1K 96 11
                                    



Kapwa natigilan sina Daisy at Black Dragon nang makarinig ng kalampag sa may pintuhan. "May inaasahan ka bang bisita?" Agad na tanong ni Daisy sa master nito.

Agad namang napangiti si Black Dragon tiyak niyang ang anak na si Elma iyon. Hindi naman pala ito ganoon kahirap paniwalain. Sa hitsura kasi nito noong nakausap ay tila hindi ito maniniwala sa kaniya.

"Pasok!" Sigaw niya nang masilip sa siwang kung sino ang panauhin. Agad namang tinulak nito ang pintuhan.

Nabigla ang bagong dating sa lugar na kinaroroonan. Agad napatingin sa babaeng nasa likuran ng lalaki.


"Elma siya si—."

"Call me Alexis.." aniya rito. Kapag tinatawag kasi siyang Elma ay naalala lamang ang ina at ang kapatid.

"Okay Alexis, siya nga pala si Daisy. Ang iyong magiging kasama sa grupo." Pakilala sa dalawang recruit na mga babae.

Lumapit si Daisy at ngumisi. "Wazzzup!" Cool na turan. Hindi siya pinansin ng bagong dating na babae. "Hala! Grabe siya oh.." anito parinig rito.


"Nagpaparinig ka ba?" Seryosong sabad ni Elma na ngayon ay Alexis na.


Napansin ni Black Dragon na nagkakainitan ang dalawang babae kaya ngayon pa lang ay sinasanay na niya ang mga ito.

"Hindi! Masyado kang seryoso.." turan pa ni Daisy.

Tumitig si Alexis. Seryoso talaga siya sa pagpunta roon. "Nandito ako para malaman at alamin kung nasaan ang kapatid.." turan nito.

Napamaang si Daisy. "Nandito ako para patayin ang gumahasa sa akin sa harap ng pamilya ko!" Turan din niya dahilan upang mapatingin sa kaniya si Alexis. Nakita niya sa mata nito na nagtatanong kung totoo ba ang narinig nito o hindi.

"Tama na iyan. Naririto kayo para sa inyong sari-sariling misyon pero nandito ang grupo na ito para sa iisang misyon. Iyon ay alamin ang mga taong nasa likod ng malawakang operasyon ng druga sa buong kamaynila." Maigting na turan ni Black Dragon. "Bueno, tutal at naririto ka na Alexis. Take this.." anito sabay bato ng arnis. Agad na umilag si Alexis ng makitang binato siya ng arnis.

"Number one rule. Laging alerto! Hindi pwede iyong sasabihin kong hindi ka nakapaghanda dahil sa labanan hindi mo alam kung kailan aatake ang iyong kalaban." Ani ni  Black Dragon.


"Kaya ba may tabing ang mukha mo dahil hindi ka rin nakapaghanda?" Balik sagot ni Alexis.

"Hindi!" Gagad na turan. Tumiim ang mukha ng magiging master. "May mga traydor lang talaga sa ahensya namin at iyon ang iiwasan natin sa grupo na ito." Anito saka inatake si Alexis.

Mabilis na sinalag iyon ni Alexis. Sa likuran ay umatake naman si Daisy na agad ding sinalag ni Black Dragon gamit ang kabilang kamay. Sabay tulak sa dalawang babae para maka-buwelo muli sa pag-atake ng mga ito.

Nagtinginan sina Daisy at Alexis. Mata sa mata. Isang senyas dahilan upang sabay silang atakehin ang master ngunit isang mabilis na sipa ang nagpatumba sa kanila kasabay ng paglagabog sa sahig ay naramdaman nila ang arnis sa leeg nila.


"Shit!" Gilalas ni Daisy ng maramdaman ang pagkirot ng balakang gawa ng pagkakabagsak sa sahig.

Tumayo si Black Dragon saka sila hinagisan ng tig-isang bottled water. Buti na lamang at handa sila at hindi iyon tumama sa kani-kanilang mukha. Nakitang binuksan din nito ang hawak at tumungga. Kapwa pa rin sila nakaupo sa sahig.


"Malalakas at marami ang kakalabanin ninyo kaya kailangan ng tibay, liksi at estratihiya upang matumba ang kalaban. Alam kung mahirap ito sa simula pero kung gusto niyong malaman kung sino ang inyong mga kalaban ay dapat kayong maging aggresibo. Tandaan ninyo. Walang kriminal na mabait kaya kailangan niyong pantayan ang kanilang utak." Ani ni Black Dragon.


DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon