Chapter 14:

1.7K 81 13
                                    




"PERFECT!" Saad ni Winona nang maisuot ang dress. Masyado kasi itong outdated ang style. Napakahaba na nga ang manggas hanggang bukong-bukong ng kamay. Mahaba rin ito hanggang sakong tila ba babalutin siya na parang suman kaya ang ginawa niya ay hinati niya ito sa gita at tinupi pa loob ang pinaghatian. Labas ang beywang niya.

Nakitang naiiling na lamang si Dante. Napaka-elegante tuloy ng damit. Masyadong konserbatibo pero sa ginawa ay medyo naging sexy at sumakto lang para hindi siya masyadong makaluma.

Matapos umiling si Dante sa ginawa ni Winona ay napangiti ito. Well, bata nga pala ito. Hindi kagaya ng mga style noong panahon niya. Sabagay, bumagay naman rito. Hindi naman bastusin, medyo binagay lang nito sa edad nito.

"Ayos ba?" Maya-maya ay tanong ni Winona sa kaniya.

"Pwede na rin.." turan saka tumayo.

"Anong oras ang party mamaya?" Tanong niya rito.

"Start at 9.." tipid na turan ni Dante na noon ay nagsasalin ng alak sa baso nito.

Agad siyang sumipat sa orasang nasa table ng lalaki at nakitang alas singko pa lamang ng hapon. May apat na oras pa sila upang maghanda sa dadaluhang party. Muling hinubad ang sinukat na dress. Hindi na siya nag-abalang takpan pa ang katawan dahil ilang beses na rin namang nakita iyon ng lalaki.

Suot pa rin naman ang maong pants niya ngunit sa itaas ay tanging bra lang ang suot. Pagharap ni Dante sa kaniya ay napansin nitong masyado siyang malapit rito. Nilagok nito ang alak sa baso nito. Hindi alam ni Winona kung ano ang nagtulak sa kaniya upang landiin ito sa sandaling iyon. Mapng-akit ang tingin rito at mabilis na yumakap.

"Winona..."pigil sa hawak sa kaniya.

"Please Dante, I miss you.." aniya sa lalaki. Maya-maya ay wala na siyang naramdamang pagpigil rito. Pilit nitong iniangat ang mukha niya at tumitig rito. Nahiya siya at na-conscious pero tila inaarok nito ang kaniyang damdamin.

"Winona, masyado akong matanda para sa isang tulad mo.." dinig na turan nito.


Umiling siya. "Wala naman sa edad ang pag-ibig di ba?" Matapang na turan.


"Ano ang sasabihin ng mga kaibigan, kakilala, kamag-anak at mga magulang mo?" Muling saad.

"Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Ang importante ay mahal kita. Akala mo rin ba hindi ko iniisip ang iisipin ng mga kaibigan at lalong lalo na ang mga anak mo kapag nagkataon. Dante, mahal kita. Mahal na mahal.." sabad rito na muling kinatahimik nito.

Kumalas ito at nagsalin muli ng alak ngunit yumakap siya rito buhat sa likod nito. "Mali bang magmahalan ang isang tulad mo at ako. Wala kang asawa di ba? Dalaga ako. Mahal kita at alam kong mahal mo ako..." naiiyak na turan dito.

Hindi na nga napigilan pa ang bugso ng damdamin. Agad na humarap si Dante at sinibasib ng halik si Winona. Mabilis namang tinugon iyon ni Winona. Kahit ano pa ang mangyari, handa siyang magpaubaya rito. Damhin ang ligayang dulot ng lalaki sa kaniya at hayaang ang panahon ang magtakda kung kailan matatapos ang lahat.

"Ohhh...miss you so much.." di mapigilang usal ni Dante sa pagitan ng halik kay Winona.

"Miss you tooo.." tugon naman ni Winona. Mapupusok ang nga halik nito. Nag-uumapaw ang init sa buo niyang katawan. "Ohhhh..." ungol ni Winona nang malayang pinagsasawa na ng lalaki ang nipple nito. Napahawak siya sa ulo ni Dante lalo na nang buhatin siya nito at ihiga sa stetcher na naroroon. May mini clinic din kasi sa kabilang parte ng opisina nito.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon