Chapter 19:

2.2K 86 20
                                    




NAPAPAILING na lang si Dante at hindi napigilang ngumiti sa papuring iyon ni Winona. "Oh siya, tama na ang bola. Kahit may sakit ka eh magaling ka paring magbola." Saad dito.

"Hindi ah.." agap nito ngunit mabilis na sinubo ang kutsara.

"Ayan, malapit mo na matapos. Pagaling ka dahil marami pa tayong misyon," aniya sa babae. Batid niyang ito ang tulay para tuluyan nilang masukol ang sindikato. Sa lahat ng pinagdaanan niya, batid na niyang alam na ni Daisy ang pasikot-sikot ng sindikato. Gusto niya makausap ang mga ito bago pa sila matimbog lahat.

Matapos niya itong painumin nang gamot at makitang medyo maayos na si Winona ay nagpaalam na siya. Malayo-layo rin kasi biyahe niya dahil napagkasunduan nila ni Greg na sa bahay na sila nito magkita. Gusto niyang kahit papaano ay makita ang anak na si Alexis.

Nang makarating siya sa baluarte ni Greg ay agad siya nitong inistema. Maayos pa rin naman ito, mukha namang walang nabago rito maliban sa mas naging wais ito patungkol sa negosyo.

"Its good to see you again Mr. Larazzabal." Turan dito.

Ngumiti ito. "Thats too pormal Mr. Harrisson. Just the old times, call me Greg." Saad nito.

Tinapik niya ito sa balikat. "You never change, pero madali naman akong kausap...Greg." Aniya saka sila nagtawanang dalawa.

Maya-maya ay niyaya siya nito sa office nito sa loob ng bahay. Sumenyas din ito sa lalaking unipormado at sinabing dalhan sila ng maiinom. Agad itong tumalima at pagkabukas ng kinaroroonan nito ay bahagyang nakita si Alexis. Napatingin din ito sa kanila ni Greg. Ngunit nang papaalis na ito ay agad niya itong kinindatan tanda na okay lamang ito.

"Mr. Harrisson, its been a long time since noong nagkatrabaho tayo noon." Untag ni Greg.

"Yes, but if you want to invest again to our company. Why not.." aniya rito. Nakitang sinusukat siya ng titig nito. "We'll, I told you. Our car dealership are well and good. Your money is safe.." aniya.

Wala silang company pero kaya niyang magproduce ng sasakyang kakailangan nito sa pamamagitan ng negosyo ni Samuel Del Monte. Dito siya kumuha noon noong nakipagdeal siya noon kay Greg.

Nakitang nag-isip ang lalaki. Sabi nito ay pag-iisipan nito. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa magpaalam na siya rito tutal ay tapos na ang misyon niya. Nakita niya si Alexis at maayos naman ito. Medyo tight lang ang security doon sa bahay ni Greg ngunit wala naman siyang napansing kakaiba.

"By the way Greg. I saw the girl..." aniya tukoy kay Alexis.

Ngumiti si Greg pagkabanggit ng babae. "Is she your girlfriend?" Kunwa ay tanong dito.

Mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Mukhang napapasaya ka nga niya. Good to see you smiling.." saad niya. Mukhang wala namang sasabihin si Greg kaya tuluyan na siyang umalis.


Ginabi na siya pagkababa niya. Naalala niya si Winona dahil baka hindi pa rin ito okay. Mga alas dies ay nasa bandang Cavite pa lamang siya at talagang hindi nausad ang trapiko. Nang umusad iyon ay laking ginhawa niya nang nasa expressway na at madali na lang para mapuntahan si Winona. Saktong alas onse y medya nang makarating.

Madilim na ang buong kabahayan. Nag-alangan tuloy siya kung gigisingin pa ba ito o hindi. Kakatok na sana siya pero tila ayaw na niya itong gambalain. Tatalikod na sana siya nang marinig ang pamilyar na tinig.

"Dante.." tinig ni Winona. Matapos kasing umalis ng bandang alas una ito ay muli siyang nakatulog. Gawa siguro nang masamang pakiramdam at hindi namalayang nakatulog siya ng ilang oras at naalimpungatan na lamang siya ng kumalam ang sikmura dahil sa buong maghapon ay ang noodles na binigay ng lalaki ang laman ng tiyan. Nagutom siya at maayos na naman ang pakiramdam niya. Kaya bumangon siya at nagpalit.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon