RAMDAM ni Dante ang pag buntong hininga ni Winona. Kapwa sila natahimik at nakatingin sa inaagiw na bubong ng bahay ng mga ito. Mayroon pa ngang butiking naglalaro sa kahoy na halos mabulok na."Dante..." tinig ni Winona.
Napakislot si Dante. Mukhang magsasabi na ang babae. Hinanda na niya ang sarili.
Nagtatalo pa rin sa isipin ni Winona kung magtitiwala ba o hindi. Pagtataksilan ba niya ang kapatid. Paano kapag nalaman ng sindikatoh? Napuno ng takot ang dibdib.
"Ano iyon?" Untag ni Dante nang wala pa ring marinig kay Winona.
"Pagkatapos ba nito ay lalayo ka na? I mean aalis ka na sa ganitong magulo at delikadong buhay?" Tanong rito.
Napabuntong hininga si Dante. "Siguro..." saad niya.
"Siguro? Hindi sigurado?" Tanong rito.
"Kung magkakaroon ako ng matinding rason para mag-early retirement baka gawin ko. Pero alam mo namang nawala ang lahat sa akin pero heto pa rin ako." Saad ni Dante.
"Ako?" Sabad ni Winona. Kapwa sila natahimik. "Ako, hindi ba sapat para piliin mo ang mapayapang buhay?" Tanong rito.
Bumangon si Dante saka tumungo at nagkatitigan sila. Punumpuno ng pagtatanong ang mga mata nito. "Dante mahal kita.." saad dito.
Sa likod ng isipan ay napapaisip si Dante kung totoo ba ang sinasabi ng babae o ginagamit lang nito ang katawan upang makakuha ng impormasyon sa kaniya.
Nabasa ni Winona ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dante. May pagdududa sa mga sinasabi niya.
"Mahal kita, maniwala ka.." giit rito. Hindi na tuloy nakatiis si Dante.
"Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako lubusang pagkatiwalaan." Mahinang sambit na halos labas sa ilong niya.
"Anong sinabi mo?" Gagad ni Winona.
"Sabi ko, mahal na rin siguro kita.." aniya rito. "Pero natatakot ako dahil mahirap magtiwala muli lalo na at—." Putol ni Dante.
Bumangon na rin si Winona at niyakap ang nakatalikod nang si Dante. "Ako, handa kung gawin lahat.." saad pa nito.
Napangisi si Dante. Hindi iyon makita ni Winona dahil nakatalikod dito. "Sana nga.." usal niya.
"Magpahinga ka na para bukas ay maayos ka na.." aya nito sa kama.
ISANG LINGGO na ang nakakaraan mula ng makita ang anak sa bahay ni Greg pero mula noon ay wala silang balita rito. Aligaga na siya dahil hindi maaaring mawala rin ito.
Maya-maya ay dalawang kalampag saka magkasunod na tatlo ang narinig sa tarangkahan. Pagbukas noon ay nakita si Angelic. "Boss, nawawala si Alexis." Seryoso at pormal na mukha nito. "Ilang beses ba kami ni Haidee sa area pero hindi namin siya makita.
"Si Stone man?" Tanong rito.
"Positive. Naroroon siya pero si Alexis, wala:" anito.
Nasuntok niya ang mesa. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag napahamak ang anak dahil sa kaniya.
"Anong nangyayari rito?" Tinig ni Winona na noon ay papasok. Kita nito ang kamao ni Dante at tila bumangis ang mukha nito.
"Nawawala si Alexis.." mahinang imporma ni Angelic rito. Naunawaan naman agad ni Winona kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Dante. Batid niyang galit ito sa sarili dahil baka ito pa ang nagpahamak rito.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
AksiLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...