GULONG-GULO siya sa sandaling iyon. Noon pa man ay may kutob na siya sa kung ano talaga ang nangyari kay Daisy. Alam niyang may kapatid ito at hindi niya akalaing si Winona iyon. Mas lalo siynag napamura sa sarili nang mapagtanto ang isang bagay.
Bakit nga hindi niya iyon naisip na maaaring may kaugnayan ang dalawa dahil bukod na magkawangis ang mga ito pareho ng kuwento ng mga ito tungkol sa kanilang magulang.
Ilang minuto rin siyang nakayuko sa kaniyang mesa nang maramdaman niyang may lumagabog sa labas. Mabilis na binuksan ang drawer at kinuha roon ang kaniyang 38 caliber pistol. Maingat na binuksan ang pintuhan at nakitang nasa sahig si Winona.
"Winona!" Gulat na turan saka mabilis na tinungo ang kinaroroonan nito at inalalayang tumayo. "Akala ko ba'y nakaalis na kayong lahat. At bakit ka nahulog.." sunod-sunod na tanong rito.
"Na—nandito ka pa?" Gulat din nitong tanong kay Dante.
"O—oo...ikaw? Bakit hindi ka pa nauwi." Giit na tanong rito.
"Papatayo na ako nang bigla akong mahilo.." anito.
"Okay ka lang ba? Kaya mo ba?" Alalang tanong rito. "May masakit na sa'yo?"
"Medyo masakit lang pang-upo. Buti nga ito una tumama," saad habang hinihimas nito ang kaniyang bandang puwetan.
"Tara na at ihahatid na kita?" Alok ni Dante sa kaniya. Ngunit bukod sa bumaksang na balakang ay inaaalala na baka narinig nito ang usapan nila ni Daisy sa cellphone kanina. Tumitig siya kay Dante at mukhang hindi naman ito naghihinala. Nang mapansin nitong nakatitig siya rito ay ngumiti na lamang siya.
Masyado pang maaga para mabuko nito ang pagkatao niya at hindi rin siya handa na dumating ang araw na mamili siya. Kaligtasan ng pamilya o ng lalaking iniibig niya.
Pagkahatid sa kaniya ni Dante ay umalis na rin ito. May pupuntahan pa raw kasi ito kaya hindi na niya niyaya itong pumasok sa kanilang bahay. Pagkaalis nito ay nabigla siya nang makita kung sino ang naghihintay sa kaniya sa loob. Ang kapatid na si Daisy.
"Bakit hindi ka nagsabi. Buti na lang pala ay hindi siya pumasok.." turan niya agad sa kapatid.
"Nagtext ako sa'yo ate.." turan naman nito. Agad na tinignana ng cellphone at may unread message nga iyon. "Nagluto na rin ako. Kumain muna tayo.." anito at nakitang may nakahatag na pagkain nga sa mesa. Bigla ay nagutom siya.
Habang kumakain ay napag-usapan nila ang nangyaring engkuwentro. Ayos naman daw ang magulang nila, sila ang ginawang front para mag-abang kuno sa mga isdang ibabagsak ng bangka. Nagkaputukan daw nang makalapit ang bangka sa pantalan pero agad daw itong nakabalik sa laot at hindi natuloy habang ang magulang nila ay pasimpleng umiskapo.
Maya-maya ay pumasok ang isang lalaki. Kilala niya ito, ito ang lalaking laging kasama ng kapatid. Ang anak ng isa sa lider ng sindikato. Tumingin lang ito sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin rito, nakakaasiwa rin kasi.
"Buti naman at nakabalik ka na," pukaw ni Daisy. Na agad itong lumapit at nilapag ang supot na bitbit nito. Kinuha iyon ni Daisy at nilabas. Juice at ilang prutas. Umupo ito sa tabi ni Daisy, sagot sa itatanong sana sa kapatid dahil napansin niyang tatlo ang nakahatag na plato sa lamesa.
Ilang beses niya na rin nakita ang lalaki pero ngayon lang talaga sila pormal na pinakilala ni Daisy sa kaniya. "Ate, si Allan nga pala....Allan, ate ko.."
"Hi.." tipid na tugon ni Winona. Awkward ang sitwasyon, alam niya kasing sa mata ng kapatid na tila may gusto sa lalaki lalo pa at napapansin ang pagiging malapit ng mga ito. "Dito ka ba matutulog?" Tanong sa kapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/148875896-288-k711099.jpg)
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
AcciónLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...