Chapter 11:

1.8K 84 8
                                    




MATAPOS NG MAINIT NA tagpo sa pagitan nila ng lalaki ay napayakap na lamang si Daisy sa kaniyang sarili. Saka tumagilid sa lalaki. Naramdaman niya ang paggalaw nito at tila tinititigan siya nito saka maya-maya ay naupo saka sinuot ang saplot nito.

"Ganito na lamang ba?" Ang nang-uusig na turan sa lalaki. Napahinto ito sa pagsusuot ng tshirt nito. "Kapag gusto mo akong gamitin ay gagamitin mo ako?" Dagdag pa niya. Nang makabihis ito ay umupo muli ito sa kama. Walang imik.

"Please....nakikiusap na ako. Ibigay mo sa akin ang magulang ko. Ora mismo ay aalis na kami at hindi na magpapakita sa sindikato.." sumamo rito.

Nakitang napasapo ito ng mukha. "Gusto man kitang tulungan pero—." Putol nito.

"Then do it!" Gigil niya sabay hampas sa braso nito. Napaupo na rin siya kipkip ang kaniyang kumot.

"Pero hindi mo kilala si papa. Kaya niya kayong ipahanap at ipapatay. Maging ako kaya niyang patayin kung gugustuhin niya.." nanlulumong turan nito.

"Ano ngayon. Ganito na lamang ba? Ha!" Singhal dito. Muli itong tumitig sa kaniya.

"Oo, mag-iisip muna ako ng paraan." Sabad nito. Napaisip din siya. Mukhang nakukuha na niya ang loob ng lalaki. Alam niyang may kabaitan naman ito at gusto niyang mas manaig iyon rito.

Napabuntong hininga siya. Wala naman siyang magagawa. Nakitang tumayo na ang lalaki at nang sa may pintuhan na ito ay muli siyang nagsalita. "Pakisabi kina nanay at tatay. Okay lang kami.." aniya. Tumingin muli sa kaniya si Alan.

"Okay.." tipid na tugon.


PADAPANG nahiga si Dante sa kama. Habang yakap naman ng babae ang hubad nitong katawan na nakatalikod sa kaniya. Muling tinignan ang likuran nito. 'Shit!' Mura sa sarili. Bakit hindi niya nalaman na hindi si Irene ang kasama. Dapat noong halikan ito kanina ay alam na niyang walang alam sa pakikipagtalik ang babaeng kasama.

Tuluyang nawala ang kaniyang kalasingan. Medyo hilo pero alam na niya ang kaniyang ginagawa at kilala ang babaeng katalik. Sabay sapo ang noo saka kinausap ang babae. "Bakit ka nandito?" Tanong rito.

Hindi umimik si Winona. Hindi alam kung nakilala ba siya ng lalaki. "Tinatanong kita? Bakit ka nandito?" Dinig na pag-uulit nito. Kinabahan na siya.

Tatayo na sana siya nang yakapin nito ang hubad niyang katawan. Wala siyang nagawa kundi ang manatili sa kama. "Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko Winona.." bulong nito na kinatigagal niya. Halos manginig ang katawan dahil nakilala siya nito. "Ngayon gusto kong malaman kung bakit mo binigay sa akin ang sarili mo?" Dagdag nitong tanong.

Muli ay natahimik siya. Paano niya sasagutin ang tanong nito. Maya-maya ay gumalaw ito at pilit siyang pinaharap rito doon ay wala siyang ligtas. Mata sa mata. Hindi rin makaiwas dahil hawak nito ang kaniyang baba. "Tell me? Bakit mo binigay sa akin ang sarili mo?" Muling tanong nito.

Bigla ay nakaramdam siya ang pangingilid ng luha niya. Pinahid nito ang kaniyang luha. "Sshhhhh...just tell me.." anito na tila hinihintay ang sasabihin niya.


Nang maalala ang magulang ay lalo siyang naiyak. Paano niya nagawang mahalin ang taong mas lalong magpapahamak sa mga ito. Niyakap siya ni Dante at mas lalo niyang napatunayang mahal na niya ang lalaki sa sandaling nakasama ito. Marami mang magsasabing hindi sila bagay pero ano ang magagawa niya.


"Mahal kita.." hindi napigilang sagot sa lalaki.

Awtomatikong napatigil si Dante sa paghaplos sa likod ni Winona ng marinig ang sinabi nito. Bahagyang inilayo ito saka tinignan ang magandang mukha nito. Tinitigan ito. "Bakit ako? Maraming mas bata diyan at mas bagay sa'yo?" Turan.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon