BATID NI Dante na kapag nalaman ni Gen. Alunan na may namamagitan sa kanila ng anak ng hostage nito. Tiyak na gigipitin niya ang mga ito at baka dumating ang araw na mas manaig ang tawag ng serbisyo sa kaniya at kamuhian siya ni Winona.Naramdaman ang pagpisil nito sa palad niya. "Naiintindihan na kita." Saad ni Winona kay Dante.
Patapos na silang kumain nang may emergency call silang natanggap. Galing kay Haidee iyon. "Kailangan tayo ni Haidee.." anito at mabilis na nilisan ang lugar.
Pagdating sa sinabing lugar ay nagkatinginan sila ni Dante. Wala namang katao-tao roon. Mabilis na ginala pa ang tingin hanggang sa masumpungan ang umpukan ng tao. Atubili silang lumapit pero habang papalapit ay pamilyar ang ilang mukha roon kaya batid na naroroon si Haidee at hindi nga nagkamali dahil naroroon ito habang may nakaluhod na lalaki sa harapan nito.
Buong akala nila ay may natira pang kalaban nila mula sa huling enkuwentro nila sa mga tunay na pumatay sa kapatid ni Haidee pero heto sila at tumawag pa ng emergency para sa engagement ng mga ito.
"Miss Haidee Lynn Mondragon, can you be my wife? A nurse for my aching heart. A mother for my future children?" Anito.
Pigil ang iyak. "Yes! Yes Direck. I wholeheartedly accept you to be my husband and be your wife. I love you." Tugon dito saka siya nito niyakap.
Nagpalakpakan ang mga security personnel nito.
"Hmmmmm..." tikhim si Dante at sumenyas na aalis na. Mabilis na sinundan ni Winona ito.
"Paano ba iyan? Mukhang nauubos na sila.." turan ni Winona dito. "Parang kailan lang noong nalaman niyang hindi si mayor ang pumatay sa kapatid niya tapos heto na sila at ikakasal na." Parinig pa rin kay Dante na patuloy ang paglakad patungo sa sasakyan nito.
Parang panahon na kasi ang nagtatakda na kailangan na niyang kumilos ng maaga bago pa tuluyan silang maubos. Binuo ang grupo para tuldukan ang malawakang distribusyon ng illegal na druga pero hindi pa sila nangangalahati ay unti-unti nang nawawala ang mga ito.
Nang sumakay si Dante ay agad ding sumakay si Winona. Batid niyang naiinis ang lalaking kasama. Dalawang buwan lang kasi mula nang ikasal si Taka at heto si Haidee, engage na rin. Hindi siguro nito inaasahan na halos kalahati ng mga babaeng sinanay nito ay malapit nang umalis sa grupo lalo na kapag may anak na ang mga ito.
Hindi alam ni Winona kung kikibuin pa ba si Dante. Mukhang masyado itong seryoso kaya hinayaan na muna niya ito hanggang sa makitang papasok ito sa parking area ng condominium na kinaroroonan ng unit nito.
Napatingin siya dito pero hindi siya umangal dahil hanggang kanina ay pormal pa rin ang mukha nito. Nang lumabas ito at walang balak pagbuksan siya ay agad na bumaba at sumunod rito.
"Teka nga! Galit ka ba?" Hawak sa braso nito.
"Hindi.." malamig na tinig ni Dante. Kailangan niya lang magpahinga at kailangan na niyang gumalaw sa lalong madaling panahon. Hindi maaaring mas mauna silang mabuwag keysa sa sindikato.
Walang nagawa si Winona kundi ang sumunod na lamang dito. Pagkapasok nila sa unit nito ay agad na dumeretso ito sa silid. Habang siya ay naupo sa sofa. Ilang sandali ay walang Dante na lumabas kaya pumasok siya sa silid nito. Wala roon kaya batid niyang naliligo ito kaya umupo siya sa kama at hihintayin ito. Ngunit nabagot siya kaya nagbuklat-buklat siya hanggang sa may makitang isang maliit na photo album. May kalumahan kaya na-curious siya. Agad na binuklat iyon at tumambad ang apat na mukha. Si Dante ang isa at napangiti siya ng makita ang guwapo nitong mukha. Ang guwapo pala nito noong kabataan niya at wala pang balat ang mukha.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
AksiyonLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...