Chapter 10:

1.7K 81 6
                                    




NATIGILAN SI Winona ng makitang nakikipaghalikan ang kapatid sa lalaking iyon. Hanggang sa maghiwalay ang mga ito at tuluyang lumisan ang lalaki. Pagbaling pabalik sa bahay nila si Daisy ay agad siya nitong nakita at nabigla ito.

"Ate! Kanina ka pa ba diyan?" Gulat na tanong nito.

"Oo at nakita ko ang lahat. Ano ito Daisy? Nakikipagmabutihan ka sa hudlum na iyon? Nahihibang ka na ba?" Gagad nito.

"Ate, wala iyon!" Giit ni Daisy.

"Wala! Paanong wala, ni hindi ka nga tumutol. Tignan mo ako Daisy. Sabihin mo. Siya ba ang kinatagpo mo sa motel noong isang araw?" Mariing tanong ni Winona sa kapatid.

Hindi ito sumagot pero base sa pananahimik nito ay mukhang totoo nga. "So, totoo?" Giit pa rin niya.

"Okay fine! Ginagawa ko ito para makakuha ng impormasyon kung nasaan sina nanay at tatay. Alam kong hindi siya ganoon kasama ate, alam ko at ramdam ko. Hanggang alam kong buhay sila, kailangan nating mag-ingat dahil maling galaw nating dalawa ay buhay nila ang nakataya." Sabad sa kapatid. Natigilan naman si Winona. Tama ang kapatid. Nakasalalay sa kanila ang buhay ng kanilang mga magulang.

Naging puspusan ang pagsasanay sa kaniya ni Dante. Mula sa iba't-ibang klase ng baril hanggang sa mga explosive device. Noong una ay nanginginig at takot pa siya ngunit magaling si Dante. Bukod kasi sa pagsasabi kung papaano ito gamitin ang mga iyon ay sinasabing magagamit niya iyon sa anumang labang papasukin. Natahimik siya at napatingin sa mukha ng lalaki.

'Paano kung ang lahat ng tinuturo mo sa akin ay gagamitin ko laban sa'yo pagdating ng araw?' Aniya sa isipan.

"Okay ka lang ba?" Untag ni Dante sa babaeng tila nakatulala sa kaniya. "Don't worry, as much as we can handle. Hindi na natin kailangang gumamit ng mga ito.." bawi naman ng lalaki.

Muli itong nag-asinta. Binigay iyon sa kaniya upang gamitin para iputok sa target. Dahil wala siya sa focus ay agad siyang inalalayan ni Dante. Pumuwesto ito sa likod niya sabay hawak sa kamay na may hawak na baril. Ramdam na ramdam niya ang pagtaas baba ng dibdib nito at ang paghinga nito.

Nang hawakan nito ang kamay na nakahawak sa baril ay naramdaman ang mainit nitong palad at ang paggapang ng mumunting boltahe sa katawan. Mas lalo tuloy nadiskaril ang kaniyang pag-eensayo.

"Are you okay?" Maya-maya ay tanong nito sa kaniya. Siguro ay naramdaman nitong tuluyan siyang nawala sa disposisyon. Tumango lamang siya bilang tugon.

"Okay, tutal ay nakakapagod naman talaga. Pahinga ba muna tayo. Sa susunod na araw ulit." Turan ni Dante. Nahalata kasing tila may mabigat na problema ito. Siguro ay dahil sa nawawalang magulang nito.

"May problema ba?" Muling untag ng makitang walang imik si Winona.

"Wala naman. Nag-aalala lang ako sa magulang ko.." anito.

"Wala ka bang balita sa kanila. Any signs?" Tanong naman niya.

"Me—I mean...wala pero ramdam kong buhay pa sila.." ani ni Winona na talagang nag-aaalala na sa magulang.

"Kilala ko ang mga magulang mo..."

"Ha!" Gulat ni Winona sa sinabing iyon ni Dante. "Paano?"

"Druga! Hawak sila ng sindikato. Kaya kailangan mong matuto para kaya mong makipagsabayan." Mariing turan ni Dante at saka tumingin sa kaniya mata sa mata. Halos hindi tuloy siya makatingin ng deretso rito. "Mga halang ang kaluluwa ang mga kakalabanin mo. Walang sinasanto, nakikita mo itong mukha ito. Ito ang lamat kung gaano sila kademonyo. Kaya hinahanda lang kita.." anito saka bumaling ng tingin. Napalunok si Winona.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon