Chapter 23:

1.4K 59 8
                                    



NANG MAKITANG sinalin na ng kapatid ang tubig na pinainit nito ay mabilis na humiga muli sa kama upang hindi siy nito mabisto. Mabigat sa loob pero napagpasyahang huwag na munang sabihin kay Daisy ang nalalaman ni Dante tungkol sa kaniya. Hindi kasi niya alam kung kontrolado pa ba niya ito o kontrolado na ito ng lalaking kasa-kasama nito.

Naramdaman niya ang pagdampi ng bimpo sa noo. Masuyo siyang pinunasan nito. Matapos siyang bihisan at maiayos nito ay naramdaman niya ang pagsara ng pintuhan. Muli ay luha ang kumawala sa kaniyang mga mata. Tila habang tumatagal kasi silang magkahiwalay na magkapatid ay tila palayo ng palayo ang magnetong humihiway sa kanila. Siya kay Dante at ito ay sa lalaking iyon.

Dahil sa tama ng alak ay agad siyang nakatulog. Naalimpungatan siya kinabukasan nang maramdamang may humahaplos sa kaniyang mga buhok. Agad siyang nagdilat ng mga mata at nakita roon si Dante.

"Anong ginagawa mo rito?" Mabilis na tanong rito sa gulat.

"Pinuntahan kita kasi hindi maayos ang paghihiwalay natin kagabi." Saad naman nito. Umupo siya at nasapo ang ulo gawa ng nainom kagabi.

"Bakit? May magbabago ba? Handa mo na ba akong iharap sa mga anak mo?" Pabalang na sagot rito.

Umupo si Dante sa tabi. Narinig ang buntong hininga nito. "Lets focus first sa nga magulang mo. Pagkatapos nito, ihaharap kita sa magulang mo at sa pamilya ko." Matamang saad nito.

Tumingin siya kay Dante na noon ay nasa malayo ang tingin. Matagal iyon. "Nandito sina Daisy at Allan kagabi." Aniya rito.

Doon ay siya naman ang bumaling sa iba ng tingin at si Dante ang nakatingin sa mukha niya. "Hawak nila ang buo kong pamilya Dante. Hindi ko alam kung makakaalis pa ba sila ng ligtas o hindi." Aniya na nagsisimulang gumaralgal ang boses.

Hinawakan ni Dante ang kamay niya. "Gaya ng sabi ko. Magtiwala ka sa akin, tutulungan kita. Kayo ni Daisy.." sinserong saad.

Napailing-iling si Winona ng mabanggit ni Dante ang pangalan ng kapatid. "Hindi ko alam.....hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan—." Putol nito.

"Mahal mo ako di ba? Kaya dapat pagkatiwalaan mo ako dahil mahal din kita..." gagad ni Dante.

Kapwa sila natigilan sa sinabing iyon ng lalaki. Maging ito ay nabigla sa nasabi.

"Mahal mo ako.." usal ni Winona.

Ibinaling sa iba ang tingin. "Oo, hindi ko man maamin pero oo Winona. Hindi ko alam dahil parang alangan ako sa'yo." Naguguluhang saad ni Dante.

"I trusted you!" Sabad ni Winona "..pero gaya ng sabi ko. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ba si Daisy dahil ramdam kong nahuhulog na ang loob nito kay Allan." Pag-amin rito.

Muling tumitig si Dante kay Winona. Tila inaarok kung nagsasabi ba siya ng totoo o nililinlang lang niya ito.

"Sa totoo lang ay gulong-gulo ako Dante, paano kung—." Tigil na turan. Natatakot siyang sa huli ay ni isa sa kanila ay walang makawala sa sindikato at mapahamak silang lahat.

Pinisil ni Dante ang palad ni Winona na sinasabing pagkatiwalaan lang siya nito at lahat ay gagawin para mailigtas ang mga ito sa kuko ng sindikato.

"Alam mo ba noong mag isang entrapment tayo..." aniya kay Dante. "Sinabi ko kay Daisy dahil antatakot akong magkaroon ng sagupaan. Sina inay at itay kasi ang ginawang front ng sindikato.." pagaralgal na tinig.

Bahagyang mapangiti si Dante pero agad na kinubli. Batid niyang nakukuha na niya ang loob ni Winona at nagsisimula na itong magtiwala. Alam naman na niyang sunog ang entrapment na iyon dahil nasabi na niya kay general Alunan. Kaya markado na ito at nakikipagtulungan na siya sa intel upang tuluyang mahuli sa lambat ito.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon