NAPANGITI NA LAMANG si Winona dahil hinatid pa talaga siya ng lalaki. Medyo may edad na ito ngunit hindi malaman kung bakit humahanga siya rito sa kabila ng hitsura nito. Sabagay ay mabait naman ito at hindi siya naiilang na kasama ito.Nang makauwi ay naroroon na nga ang kapatid at tila abalang nagluluto. Sa abala nito ay hindi siya napansing dumating. Pinanood niya ito at tila masigla ito.
"Mukhang masaya ka ah!" Puna rito.
"Ayy...ate naman. Bakit ka nambibigla.." gilalas nito dahil sa kabiglaan.
"Nabigla ba kita?" Mariing turan at nang marinig nito ang tinig niya ay tumingin ito sa kaniya.
"Okay ka lang ba ate?" Tanong nito. Mas lalong tumaas ang kilay ni Winona.
Kinabahan agad si Daisy dahil baka nakita siya ng kapatid na kasapi rin sa grupo ni Dante. "Ate—.."
"Anong gina—." Sabayan nilang wika saka sabay ding napatigil. Ngunit ayaw nang paawat ni Winona kaya nauna na siya. "Anong ginagawa mo sa motel?" Deretsahang tanong sa kapatid.
Nakitang nanlaki ang mata ni Daisy. "Huwag ka nang magkaila dahil kitang kita ko Daisy!" Aniya rito.
Umilap ang mga mata ni Daisy. Mukhang sinundan siya ng kapatid at hindi na niya alam kung itatago pa ba niya ang mga nalalaman o sasabihin na rito. "Anong ginagawa mo sa motel?" Ulit ng kapatid niya rito. Tumitig siya sa ate Winona niya at ilang minuto rin siyang nakatitig rito at nag-iisip kung sasabihin na ba niya ang lahat ng nalalaman.
"Bakit kasama mo si Black Dragon?" Sabad na tanong imbes na sagutin ito. Napakunot noo si Winona kung sino ang tinutukoy ng kapatid.
"Sino?" Gagad niya. Ngumiti si Daisy.
"Si Black Dragon, ang lalaking kasama mo?" Turan at ang kapatid naman ang napatigil. Kapwa ulit sila nagsukatan.
"La—la—king kasama ko?" Anito turo sa sarili nito.
"Oo.."
"Black Dragon? Ang lalaking kasama ko. Pero bakit Black Dragon. Alam ko Dante ang pangalan niya?" Maang na turan nito. Pero nang muling makapag-isip si Winona ay agad na binalikan ang kapatid.
"Teka lang, di ba ikaw ang kinakausap ko. Bakit ka nasa motel?" Giit na tanong.
"Kasapi ka na rin ba sa grupong binubuo ni Dante?" Balik tanong naman ni Daisy. Mas lalong nagtaas ng kilay si Winona dahil bakit alam ng kapatid ang tungkol sa grupo nito kung sabi ni Dante ay walang dapat makakaalam.
"Ate, ako ang pinakaunang na-recruit ni Dante. Isa ako sa agent niya at kung bakit ako nasa motel...." aniya saka deretsahang tinignan ito at tila bumalik ang Daisy na handang makipagsagupaan. Saka nilabas sa bulsa ang sulat ng mga magulang.
May pagtataka sa mata ng kapatid ng iabot ang papel. Inabot naman iyon ni Winona at binuklat at agad na nakilala ang sulat kamay ng ina.
"Mahal kong anak, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Patawarin niyo kami ng inyong ama dahil nasilaw kami sa sayang dulot ng may malaking perang nakahatag sa aming kamay. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay mas nanaisin ko na lamang bumalik tayo sa simpleng buhay. Iyong masaya at may katahimikan. Anak, kapag nabasa mo ito sana ay sumama ka na sa ate mo. Doon ay mas palagay kaming hindi kayo madadamay pa. Siguro hanggang dito na lang kami ng inyong ama. Patawad." Basa niya sa sulat ng ina.
Tumingin ang ate Winona niya sa kaniya. Naluluha na ito dahil batid nitong nasa masamang kalagayan ang kanilang magulang. "Hawak ng sindikato sina nanay at tatay. At alam na nilang kasapi ako sa grupo ni Black Dragon. Hindi ko nga alam kung sa pagkakataong ito ay binabantayan nila ako." Turan niya sa ate Winona niya.

BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
ActionLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...