NANG MAKABALIK sa kaniyang head quarter ay naroroon si Daisy. Panay ang ensayo nito at napatigil lang ito ng mapansin siya nito. "Boss.." tawag nito at muling tinuon ang pansin sa ginagawa.Binato niya rito ang ID na hawak at agad naman nitong na-catch. Mukhang nagiging alerto na ito. Kunot noong napatingin sa kaniya. "Ano ito boss. I mean, alam kong ID ito pero anong gagawin ko rito. Hindi naman ako ito?" Anito sa larawan at pangalan na naroroon.
"Contact her, gusto kong sabihin mong nasa'yo ang ID niya at ako na ang makikipagkita sa kaniya." Utos niya sa tauhan. Kahit papaano ay magagamit nito ang pagiging masalita nito. Sa pinagdaanan nito, masaya siya at nakikitang tila nakakarecover na ito.
Agad naman itong tumalima at tinawagan nga ang contact number na nasa ID. Ayon sa ekspresyon ng mukha nito ay mukhang positibo naman.
"Yah sure, magkita na lang tayo. Sure, sa may fast food sa bandang palengke. Okay...I'll be there tomorrow.." turan nito saka nagpaalam. Nang tumingin ito sa kaniya ay agad itong nagthumb up. Na agad naman niyang kinangiti.
'Sa wakas ay unti-unti ko nang mabubuo ang aming grupo. Ito na siguro ang panahon para pabagsakin na ang mga taong naging mitsa ng maraming buhay.' Aniya sa isipan.
Kapwa sila tahimik ni Daisy ng makarinig ng kalampag. Nagkatinginan sila. Hindi maaaring si Alexis ito dahil may code na sila kung paano ang pagkatok sa tarangkahan nila. Gamit ang ulo ay agad na sinenyasan si Daisy na agad uling tumalima sa utos.
Laking ngiti ni Dante, sa likod ay isang partikular na mukha. Ito ang nurse na nakabungguan ilang araw na ang nakakaraan. Mapang-usisa ang mga mata nito sa mga nakikita sa loob ng hideout nila. "Kumusta na bata!" Matigas na tinig rito. Nakitang napausog ito.
"Okay lang po. Naririto ako para sabihing—."
"Pumapayag ka na? Alam ko..noong nagkita tayo alam kong papayag ka kaya nga hinihintay na lamang kita." Kumpiyansang turan rito. Nakitang nagbaba ito ng tingin. "Dito, patibayan. Di ba gusto mong malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa kapatid mo!" Singhal dito.
Nagtaas ito ng mukha at tumitig sa kaniya. "Oo.." anito na may butil ng luha sa mata. Ngumisi siya.
"Pwes! Turuan mong maging matigas ang puso mo. Dito, walang iyakin. Dito, walang awa-awa." Deretsahang turan dito.
Agad naman nitong pinahid ang mata nito sa kaniyang sinabi. Lumapit siya sa bagong dating saka muling sumenyas kay Daisy. Agad na kinuha ni Daisy ang arnis saka hinagis sa babae. Buti naman at maliksi ang bagong recruit na babae at agad na nasalo iyon at ginamit upang salagin ang pag-atake ni Daisy. Namangha siya sa pinakitang galing ng babaeng bagong dating.
Pumalakpak siya. "Magaling....paano mo alam ang gumamit ng arnis?" Tanong niya rito.
"Noong college po kasi ako ay isa po sa pinag-aralan namin ang arnis at self defense sa PE." Tugon nito.
"Mabuti kung ganoon.." anito saka isang straight cut ang binigay nito sa babae. Mabilis at maliksi ito kaya nasalag rin nito. Grabe ang palitan nila ng sagupaan. Tila nagsasayaw sila sa galing rin ng babae kahit may kaliitan. Habang si Daisy ay panay tawa nito sa kanila.
"Anong nangyayari rito!" Tinig sa may tarangkahan. Si Alexis na bagong dating. Medyo nadistract si Dante sa pagdating ng anak kaya hindi niya napaghandaan ang pag-atake ng babae sa kanya. Sapul ang kaniyang mukha.
Dahilan para bumulagta siya na dahilan na nagtawanan ang tatlong babae. Buti na lamang at hindi alam ng babae kung saan siya pwedeng tamaan para mawalan siya ng malay. Dinaluhan siya ng mga ito at tinangkang tanggalin ang panyo sa kaniyang mukha ngunit agad siyang umiwas.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
ActionLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...