RODANTE 'Dante' TAGUDE, isang masipag at tapat na alagad ng batas. Ang masaya at tahimik na pamilya ay muntik ng manganib nang binangga niya ang isa sa napakalaking sindikato ng druga sa bansa. Doon ay nakilala ang magkakaibigang Teodoro, Ramon at Mariano. Naging mas mainit ang mata nang sindikato sa kaniya ng malamang nakipagtulungan ang magkakaibigan upang ilaglag ang grupong kinaaaniban ng mga ito. Ngunit imbes na mabuwag ang grupo ay may trumaidor sa kanila at halos ikamatay niya dahilan para itago siya ng ilang opisyal sa ahensya. Pinadala siya sa Amerika upang doon magpagamot at muling pag-aralan ang galaw ng sindikato.
Doon ay nabuhay si BLACK DRAGON sa kaniyang katauhan at binuo ang kaniyang grupo na binubuo ng anim na babae. Si Winona, Daisy, Sundee, Angelic, Haidee at Alexis. Ngunit sa Amerika ay nakilala si Taka at nang malaman ang istorya ng buhay nito ay hinikayat na itong sumapi sa grupo ngunit habang hinihintay ang pagbabalik ni Taka sa Pilipinas ay isang pangyayari ang nangyari dahilan upang tuluyang mapilayan ang grupo nila sa pagkawala ni Daisy.
WINONA ALVAREZ, tindera nang bulaklak at kandila sa gilid ng Quiapo church. Masayahin, kalog, seksi, maganda ngunit may taglay na kabobahan. Sa taglay nitong kakalugan mahuhumaling ang isang Black Dragon. Sa pagsanib nito sa grupo nito ay mapapalapit sa isa't-isa. Sa paglalapit nila uusbong ang pagtinginang hindi niya alam na magiging dahilan upang malitobsa tunay na pagsanib sa grupo.
Handa mo bang patayin ang puso mo para sa ikaliligtas ng iyong pamilya. O susugal ka ba at maniniwala na mas mananaig ang kabutihan sa kadiliman kung ang buhay ng iyong pamilya ay nasa kuko ni kamatayan. ABANGAN.
Note: sorry pero delay ko muna..tatapusin ko pa po iba ko mga write ups..para malinis..SALAMAT PO!
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)
AcciónLalaking may paninindigan. Lalaking isinakripisyo ang buhay para sa kapayapaan. Minsan nang nawasak ngunit bumangon at sa kaniyang pagbabalik. Iipunin ang mga taong sangkot sa malaking sindikato. Sa grupong binuo ay siyang bubuwag sa sindikatong nag...