Chapter 1:

4.4K 148 13
                                    




"ANAK NG PUSA! Talooooonnnn..." sigaw ni Dante. Mabilis siya tumalon sa kanilang pick-up truck ng maramdaman nila ang pagbagsak ng kung anong bagay roon. Hindi siya maaaring magkamali. Bomba iyon kaya agad siyang tumalon. Sa lakas ng impak ay halos ilang pulgada rin siya tumalsik.

Masakit ang buong katawan ngunit pilit bumangon hanggang sa makita ang wasak at nagliliyab nilang pick-up. Pinipilit tumayo upang tignan ang mga kasamahan nang makitang pinapalibutan na ng ilang armadong lalaki ang kanilang pick-up.

Pagapang siyang nagtago upang hindi siya makita ng mga ito. "Hayoopp.." ngitngit niya. Batid niyang may trumaydor sa kanila. 'Malaman ko lang kung sino ka, pupulbusin talaga kitaaa..' inis ng kalooban dahil tatlo na naman sa kabaro niya ang nawala.

Agad siyang nagtago sa isang puno ng makitang tila naalerto ang ilang kalalakihang armado. Doon niya lang rin napansin ang dugong pumapatak mula sa kaniyang mukha. Agad siyang napakapa sa mukha at nakita ang pulang likido. Batid niyang matindi ang pinsala niya sa mukha.

Agad na binunot ang baril niya ng marinig ang yabag papalapit sa pinagtataguan. Lalampasan na siya ng lalaki ng mabilis niya itong hinablot. Bakipagbuni ito sa kaniya. Habang nakikipagbuno sa lalaki ay tila umuuka ang kalahati ng mukha niya. Nang makakuha ng tiyempo ay agad na pinilipit sa leeg dahilan upang hindi na ito makapalag pa. Kailangan na niyang makaalis doon lalo pa at halos maligo na siya ng sariling dugo.

Matapos mapatahimik ang lalaking naligaw sa direksyon ay pilit siyang makatakas sa lugar na iyon. Agad na kinontak ang pinagkakatiwalaang kasamahan at ilang mataas na lider na alam niyang malinis ang serbisyo.

Masama ang tama niya. Daig kasi sa malaking hiwa ng mukha ay may ilang sugat din siya sa ibat-ibang bahagi ng katawan niya at ilang butong nabali sa paa niya idagdag pang halos maubusan siya ng dugo.

"Magpapakita ka ba sa pamilya mo?" Ang tanong ng kasamahan niya. Isang desisyon ang binuo niya. Ang sabihing patay na niya maging sa pamilya upang hindi na madamay ang mga ito. Tutal ay magpaladala na lamang siya ng sustento sa mga ito sa pamamagitan kanu ng pensyong makukuha ng mga ito. Masyadong malakas ang kalaban nila at ayaw niyang madamay ang pamilya niya.

"Hindi. Ayaw ko silang madamay. Mabuti na iyong malaman nilang patay na ako." Aniya.

"Ganoon talaga. Kailangan magsakripisyo. Pero paano ang mga anak mo, ang asawa mo? Hindi mo ba ma-mi-miss?" Ngising wika ng kasamahan.

"Of course pero mas ayaw ko silang madamay. Ngayon pa lang ay hindi na natin alam kung sino ang kalaban natin.." aniya nang may pumasok sa kinaroroonan nila.

"May lead na tayo. Willing nang makipagtulungan ang magkakaibigang Theodoro, Mariano at Ramon. Gusto nilang makipagkita sa atin.." ani ng isang kasamahan nila. Ito ang mga magkakaibigang nasa drug list nila. Tatlong dekada na nilang sinusubaybayan ang mga ito mula pa noong kolihiyo ang mga ito.

Agad siyang nakipagkita sa mga ito. May mga banta na raw kasi sa mga buhay bg mga ito at ngayong may kaniya-kaniyang pamilya na ay natatakot rin silang madamay ang mga ito kaya gusto na rin nilang tapusin ang lahat.


Isang malaking transakyon ng druga ang gagawin nila. Si Theodoro ang magiging middle man at sina Ramon at Mariano ang magbaback-up sa mga buyers. Dahil kilala ang mga ito bilang negosyante. Tila magiging negosasyon sa bagong negosyo ang mangyayari pero ang totoo ay magkakabayaran sa druga.


Halata ang kaba kina Ramon at Mariano. Si Theodoro naman ay pilit kinalma ang sarili.

"Basta! Gawin niyo ang dapat ay role ninyo. Kapag nagkabayaran na ay dapat on the ground kayong lahat. Sikapin niyong bumalik sa ground zero." Ani ni Dante na tinutukoy ang sinasabing kung saan sila pupunta upang hindi sila madamay sa putukan.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon