Chapter 17:

1.3K 67 6
                                    




PAGDATING NILA sa head quarters ay nadatnan na ang apat. May pagtataka sa mga mata ng mga ito kung bakit sila magkasamang dumating ni Winona. Hindi na lamang niya pinansin at mabilis na sumalang sa projector na nasa dulo.

"Ito ang lugar gaganapin ang trasaksyon.." turan niya saka tumingin sa limang babaeng naroroon. Lahat ay interesado sa sasabihin niya. Lahat ay tutok sa planong nilalatag niya.

"Kailangan niyong mag-ingat. Masyadong notorious ang sindikato at ayaw kong malagasan ulit ng isa sa inyo!" Utos na turan sa mga ito.

"Yes boss!" Sabayang turan ng mga ito. Tumingin siya kay Winona. Blangko ang mukha nito na tila may nais sabihin pero hindi naman nabuka ang bibig nito.

"Maging alerto kayo, hindi natin alam kung sino-sino sila at saan sila manggagaling.." ani ni Dante. Bagkus ay alam na niyang baka mabulilyaso ay inihanda pa rin niya ang kaniyang grupo. 'Konting-konti na lang, malalaman ko ring hudas ka.' Aniya habang iniisip ang kanilang hepe.


"Boss, paano kapag hindi pala doon gaganapin ang transaksyon at nililigaw lang tayo?" Matalinong tanong ni Angelic.

Ngumiti siya. "Tiwala ako sa impormante ko. Anuman ang kahihinatnan nito, ang importante ay ligtas kayong babalik dito. Dito sa point A tayo manggagaling. Ikaw Angelic at Haidee...sa point B.." aniya sabay turo sa mga posisyon nila. "Sundee and Taka sa point C. Winona will be stay with me at point D. Whatever happen, stay together and cover up one another. The transaction will be around 11 pm. Do your best to be back at 11:30 at point A. Understand.." maotoridad na wika.


"Sir, yes sir!" Malakas na sagot ng mga ito.

"Maghanda na kayo. May dalawang oras tayo para maghanda. Kailangang naroroon na tayo bago sila mauna. We have a full detail of the transaction. Remember, don't fire if we don't need. Stay safe. What we have is a documentations then if we are sure na kontrabando ang transaksyon then we'll do the intrupment. Maliwanag ba!" Malakas na tanong sa mga bataan.

"Sir yes sir.." sagot ulit ng mga ito.

Napansin niyang medyo balisa si Winona. Marahil ay napagod lang ito. "Okay ka lang ba?" Tanong nang medyo lumayo ang iba dahil naghahanda.

Nabigla si Winona. Hindi niya alam na masyado palang halata na balisa siya. "Okay lang ako.."

"Kung pagod ka eh pwede namang hindi ka muna sumama." Saad dito.

"Hindi....okay lang ako. Sasama ako.." giit naman ni Winona. Hindi lang niya maiwasang mag-alala sa mga magulang na ginagamit ng sindikato sa transaksyon nila. Baka hindi nila magawang iligtas ang mga ito.

Nang makagayak ng grupo ay sumakay na sila ng mga sasakyan. By partner sila if ever na magkahabulan ay may magmamaneho at may titira. Lahat ng taktika sa pakikipaglaban ay pinag-aralan nila. Required niya rin silang lahat na marunong magmaneho.


Nasa sasakyan na sila ni Dante nang hindi talaga mapakali si Winona. Pasimple siyang nagmessage kay Daisy ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito. "Sa tingin mo, makakasagupa kaya natin sina inay at itay ngayon?" Alanganing turan kay Dante.


"I just pray na naroroon nga sila. If that the case, our main concern is to keep them safe.." ani ni Dante. "Huwag kang mag-alala. I told you, trust me. As long as buhay ang mga magulang mo. Babawiin natin sila.." pahayag pa ni Dante.

Umaalingawngaw sa isipan ni Winona ang palagiang saad ni Dante. 'Trust me.' Nag-aalalangan tuloy siya kung sasabihin ba o hindi. Kaya lang once na malaman ng sindikato na nilaglag niya sila ay tiyak na ulo na lang ng magulang ang mababawi.

DETECTIVE SERIES6: A Traitor Lover(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon